Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC habang sa PHLCO
naman ay PIL-CO.
***
GOOD
day, Philippines!
13 days na lang at 5th Outing na ng Pinoy Hot Line Civic
Organization & Riders Club (PHLCO/RC) na gaganapin sa isang beach resort sa Matabungkay, Lian, Batangas. Yahooo!!!
Sa darating na Linggo ng umaga, General Monthly Meeting na ng samahan.
Maraming paksa ang tatalakayin dito, isa na rito ang final briefing kaugnay ng 5th Outing ng
samahan, at mga bagong batas ng PHLCO/RC na ipapaliwanag nina Ka. Rico Rocero at Ka. Freddie Modesto at marami pang usapin.
Paalala: Bawal ang ‘di sasama sa Matabungkay Outing Part 2!
Sa lahat nga pala ng miyembro ng PHLRC, mayroon na tayong plate number na puwede n’yo nang ilagay sa inyong
sasakyan. Maaari n’yo na itong kunin sa Linggo kay Ka. Ronnie Terrado, na siyang gumawa ng paraan para magkaroon na
tayo ng plaka. Many, many, many thanks sa iyo, Ka. Ronnie!
Kung ‘di
n’yo pa alam ang inyong control number sa PHLRC, makipag-ugnayan kayo kay Ka. Nancy Malindog.
Pagkatapos ng ating General Monthly Meeting, tutulak ang ating grupo sa bahay ni Ka. Dioscorro
Policarpio sa Makati City.
Imbitado po ni Ka. Dioscorro ang ating grupo kaugnay ng
kanyang kaarawan sa darating na Huwebes, Sept. 23, kung saan gaganapin naman sa Linggo.
“Doon na tayo manananghalian sa amin, Ka. Even pagkatapos ng Monthly Meeting,” ani Ka. Dioscorro.
Advance happy-happy birthday po, Ka. Dioscorro.
Kahapon, nagkaroon ng emergency meeting ang mga board of trustee
at mga opisyales ng PHLCO/RC. Maraming salamat sa mga dumalo.
1. Imelda Taganas
2. Eustaquio Tabag
3. Michael Escol
4. Freddie Modesto
5. Henry Sombrio
6. Renito Arpilleda
7. Even Demata
8. Dioscorro Policarpio
9. Alberto Sanico
10. Vllady Lito Lati
11. Ronald Mendez
12. Edwin Rosaldo
13. Nancy Malindog
14. Alejandro Parilla
15. Rico Rocero
16. Glen Calalang
17. Karen Rocero
18. Ronnie Terrado
19. Lawrence Enriquez
20. Dhionel Pilan
21. Ruben Cabrillas
22. Freddie Bonto
23. Rolly Malupa
24. Mabel Policarpio
25. Kim Abada
26. Wilma Quirog
27. Rey Guinto
28. Flor Mamza
29. Josie Malupa
Kung ‘di ako nagkakamali, apat na mga officers ang
‘di nakadalo sa emergency meeting kahapon, ito ay sina Vice President Gerry Lanuza, Treasurer Dan Alfred Madriaga, Auditor
Ernesto Padigdig, at PIO Marlou Dahunog.
‘Di sinasagot nina Ka. Dan Alfred
at Ka. Marlou ang ating tawag kahapon. Cannot be reached naman ang linya ni Ka. Ernie.
Ani Ka. Dioscorro, naghakot ng mga kahoy si Ka. Gerry kaya’t ‘di naka-attend sa emergency meeting.
Kuwentuhan ulit tayo bukas.