Ang tamang
pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC.
***
BUENAS dias, amigos!
Ika-11 ng Hunyo ngayon, taon 2010. 2 days before 3rd outing ng PHLCO/RC!
Popopower! Nahahawa na ‘ata ako kay Pareng Lord Peter Spider! He he he!
Sa ibang dako, tiyak na magsisitalunan sa labis na tuwa ang ating mga kasama sa Pinoy Hot Line Riders
Club sa oras na mabasa nila ngayon na opisyal nang nakarehistro sa Security and Exchange Commission (SEC) nitong Hunyo 7,
2010 (nasa larawan) ang aming masayang samahan, ang PHLRC!
Samakatuwid, wala nang simunang grupo ang pupuwedeng gumamit ng pangalang Pinoy Hot Line Riders
Club o PHLRC. Bukod diyan, ligal na nating maipatupad ang mga rules and regulations sa ating samahan! Galing!
Siyempre pa, sa darating na Hulyo, manunumpa na
rin ang mga opisyales ng PHLRC.
At
dahil nakarehistro na sa SEC ang ating samahan, apat ang magdiriwang kasabay ng 3rd Outing ng PHLRC sa Linggo: Sina Ka. Mhae
Paycana, Ka. Ernie Padigdig, Ka. Renito Arpilleda at ang PHLRC!
God bless you, PHLRC!
Samantala, batid nating marami sa ating mga kasama sa PHLRC ang super excited na sa 3rd Outing ng ating samahan na
idaraos sa Llanera, Nueva Ecija.
Malamang
na ‘yung iba nating kasama ay hindi na gaanong nakakatulog nang maayos dahil sa sobrang excited! Ha ha ha!
Kahapon nga pala, nagkumpirma na sina Ka. Rey Guinto,
Ka. Miguel Dulay, at Ka. Kim Abada na sasama sa outing. Sila ay sasakay sa L300 Van ni Ka. Dan Alfred Madriaga.
Sa aming pag-uusap, mauna na sa Llanera sina Ka.
Dan Alfred at doon na lang magkita-kita ang grupo.
Sabi niya, anim na taga-PHLCO lang ang isasakay niya sa kanyang van dahil makikisakay rin sa kanyang sasakyan si Ka.
Joseph Leuterio at asawa nito.
Sa
mga kasamahan nating taga-PHLCO, mag-text lang kayo sa 09199813390 kung kumpirmado nang sasama kayo.
Uulitin ko, magkikita-kita bukas ng gabi ang lahat ng riders sa PHLRC sa
PIT SHOP sa oras na alas 10:00 ng gabi. Sana nasa kondisyon na ang mga motor n’yo.
At siyempre pa, ngayon pa lang ay magpahinga na kayo ng maaga para makabawi
naman kayo kinabukasan.
Kahapon,
sinilip natin sa internet ang weather forecast sa ating bansa.
Wala tayong nakitang namumuong sama ng panahon gaya ng low pressure area at bagyo. Good luck po
sa ating lahat! Nawa’y patnubayan tayo ni God sa biyahe nating ito.
Inaasahang papalo sa 30 miyembro ng PHLRC ang sasama sa outing, ang ibig sabihin, sobrang haba ng
nakapilang motor habang binabagtas natin ang national hi-way patungong Nueva Ecija!
Adios amigos!