Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC habang sa PHLCO
naman ay PIL-CO.
***
MARAMI
ang nag-text sa inyong lingkod kahapon para itanong kung bahagi pa rin daw ba ng pangangampanya ang First 100 Days Message
ni Pangulong Noynoy Aquino kahapon.
Tatlong malalaking letrang OPO ang naisagot
natin sa kanila.
Opo, tuloy-tuloy pa rin ang pangangampanya ni P’Noy
tungo sa matuwid at tuloy-tuloy na pag-unlad ng ating bansa.
Batid
natin na nag-iisa lang ang Pangulo at hindi niya kayang sungkutin ang lahat ng kanyang ambisyon sa bansa, kaya’t makiisa
tayong mga Pinoy.
***
IDINEKLARA
ni Pangulong Aquino na holiday o walang pasok sa trabaho ang Oktubre 25 dahil barangay at Sangguniang Barangay (SK) election
ang araw na ito.
Siyempre, double pay ‘pag may pasok.
***
Sa ating ulat panahon. Asahang magiging
magandang pa rin ang ating weather sa araw na ito. Wala tayong nakikitang namumuong samahan ng panahon sa loob ng ating bansa.
***
Samantala,
good news sa ating mga kapatid sa Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC).
Mapapanood
n’yo na sa Youtube ang Matabungkay Outing Part 2 ng ating masayang samahan. Ang pamagat ng naturang video ay “PHLRC:
MATABUNGKAY OUTING PART 2”. Search n’yo na lang sa Youtube. Mapapanood n’rin yo sa Facebook account ng PHLRC
ang video na ito. Enjoy!
***
Isang suking mambabasa natin ang nag-text sa atin kahapon. Narito po ang kanyang mensahe.
“Hello. I’m Eduardo Balbin, Jr. from Sta. Rosa, Laguna. Maganda po ang kuwento n’yo
sa PHLRC outing n’yo sa Matabungkay Outing Part 2. Maganda po ang samahan n’yo kasi hindi n’yo iniiwan ang
mga kasama n’yong nagkaaberya sa biyahe n’yo. Sana makasama ako sa biyahe n’yo. God bless to all PHLRC riders!”
–09289033027