Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC habang sa PHLCO
naman ay PIL-CO.
***
GOOD
day, Philippines!
11 days na lang at 5th Outing na ng Pinoy Hot Line Civic
Organization & Riders Club (PHLCO/RC) na gaganapin sa Matabungkay Beach Resort sa Lian, Batangas. Yahooo!!!
Samantala, binabati natin ang ating mga kaibigan diyan sa Arrdy’s Shop & Motorcycle Shop
Parts na matatagpuan sa Gate 2, Cogeo, Antipolo City, Rizal na sina Darry Dangalan (owner) at ang kanyang mga mekaniko
na sina Eric, Beng, Sineo, Diegin, Chito at Batang, at sa the only son ni kaibigang Darry na si Arrgie.
Diyan ako madalas nagpapaayos ng aking sasakyan. Magandang araw sa inyo, mga pare ko!
Ang Arrdy’s Shop & Motorcycle Shop Parts ay nasa harap lang mismo ng Motortrade at RDL
Construction Supply kaya’t madali lang itong matagpuan.
Samantala,
sa pagpasok ng Oktubre, mukhang magiging gahol ang iskedyul ng ating mga kapatid sa PHLRC sapagka’t isa sa mga inimbitahan
ang ating grupo para mag-motorcade kasabay ng opening ng Doņa Carmen Subdivision na matatagpuan sa Marulas, Valenzuela City.
Opo, personal nating nakausap ang ating kaibigang si Pareng Jess na siyang Operation Manager ng
naturang subdibisyon kahapon.
Nag-iisip siya kung ano ang mabisang
gawin para sa opening na Doņa Carmen Subdivision... na makakatawag pansin sa mamamayam ng Valenzuela City.
Biglang napangiti si Pareng Jess nang banggitin ng inyong lingkod sa kanya ang PHLRC. Wew!
“Baka naman malaki ang bayad, pre,” nakangiti niyang sabi.
“Wag mo lang kaming gugutumin.. ayos na sa amin iyon, ha ha ha!” tugon naman natin sa
kanya.
“Pero, puwede na ang donasyon sa inyo, pre?”
paniniyak niyang tanong sa inyong lingkod.
“Okey na iyon, pre, basta bukas
sa inyong kalooban,” galak naman nating tugon sa kanya.
Nakatakda
sana ang naturang motorcade sa Setyembre 26 (Linggo) pero iminungkahi natin kay Pareng Jess na sa second week na lang ng Oktubre
sapagka’t General Monthly Meeting ng aming grupo ang nasabing petsa at sa Oktubre 3 naman ay 5th Outing ng samahan.
Samakatuwid, nai-set o naitakda ang naturang motorcade sa Oktubre 10.
Ipaparating natin ang event na ito sa mga kasama natin sa board of trustee at mga opisyales ng PHLRC
para pormal nang aprubahan ang nasabing motorcade.
Kung sakaling
matuloy ang nasabing motorcade, ito ang pinakaunang pagkakataon na sumabak ang PHLRC sa mga ganitong event. Galing! Klap,
klap, klap!
I love you, PHLRC!
Sa ibang dako, birthday ng isa sa mga seargent at arms ng PHLRC na si Ka. Dioscorro Policarpio bukas (Huwebes).
Advance happy birthday po, Ka. Dioscorro!
Baka
puwedeng i-advance ang alak! Ngiyaaak!
Siya nga pala, may iba pang meaning
ang PHLCO at PHLRC.
(P)alaging (H)anda sa (L)ahat ng (R)esponsibilidad at (C)risis
- (PHLRC).
(P)alaging (H)anda sa (L)ahat ng (C)risis at (O)bligasyon
- (PHLCO).
Sa naturang mga pakahulugan, madali lang nating makanti
kung ano, para saan at kung anu-ano ang mga layunin at adhikain ng Pinoy Hot Line Civic Organization & Riders Club.
Bukas ulit! Nyc day!