Buenas dias amigos!
Lunes ngayon, ika-19 ng Abril taong 2010.
Isinusulat natin ang kolum na ito, magkakaroon ng meeting ng Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC) sa Quezon
City Circle sa oras na alas-3:00 ng hapon kahapon.
Isinusulat ito, nasa tanggapan pa tayo ng TORO, bukas ia-update natin dito ang napag-usapan ng ating mga
kasama sa PHLRC.
Samantala, kamakalawa ng gabi, personal na dinalaw natin ang ating mga kasama sa PHLRC na sina Ka. Arnel
at Ka. Marlou Dahunog diyan sa Araneta Avenue, Quezon City. Hindi natin naabutan si Ka. Ernie Padigdig.
Pagkatapos ay tumulak naman tayo sa San Juan City, kay Ka. Dan Alfred Madriaga.
Nagkataon na birthday raw ng pinsan niya. Nguni’t pagkalipas ng ilang minuto, tumulak agad ang inyong
lingkod sa Baesa, Quezon City para dalawin naman sina Ka. Renito Arpilleda at Nelson Barnedo.
Hindi natin naabutan si Ka. Nelson. Napagkasunduan namin ni Ka. Renito na puntahan si Ka. Dan Alfred sa San
Juan.
Mga alas dos ng madaling araw na kami nakauwi.
Samantala, marami ang nagtatanong kung alin ang mas magandang gamitin - ang kotse o ang motorsiklo?
Para sa akin, mas okey ang motor kasi wala akong kotse, he he he!
Kung mayroon man akong kotse, wala akong pambili ng gas! Ha ha ha!
Gayunman, minsan natin itong naungkat sa ating mga katropa.
Tinanong natin sila, alin ang mas okey, ‘yung motor ba o ‘yung kotse?
Una nating tinanong ‘yung may kotse, sabi niya, lugi sa gas.
Sa kaibigan naman nating may motor, hawak mo raw ang oras pero... iyon nga lang, medyo delikado.
Ngayon, tinanong natin ang kaibigan naman natin na may kotse at may motor.
Ang sagot niya, may mga advantage at disadvantage.
Sa Motor
1. Tipid sa gas.
2. Pangporma.
3. Madaling makalusot sa trapik.
4. Iyon nga lang, lang pinapara sa checkpoint.
5. Mas risky dahil 2 wheels ang motor at kailangan mo pang mag-balance.
6. Pag-umulan, it’s either huminto ka hanggang tumigil ang ulan o magmukhang basang sisiw ‘pag
susuungin mo ang ulan.
7. Sunog ka ‘pag mainit ang araw.
SA KOTSE
1. Pang porma.
2. Mas approved sa ka-date mo lalo na sa magulang.
3. Comfortability sa ride (‘Wag lang bulok).
4. Basta hindi sira ang aircon mo cool ka lang
5. Yun nga lang, stock ka sa traffic.
6. Kawawa ang budget mo sa gas at parking fees
Adios amigos!