Kumusta sa lahat ng Pinoy, Luzon,
Visayas, at Mindanao?!
Buenas dias, amigos!
Ika-24 ng Abril ngayon taon
2010.
May pumutok na malaking isyu sa bansa. Pinakamainit sa lahat ng balita. Mainit pa sa El
Niño!
Umani ng kaliwa’t kanang batikos si Acting Justice Secretary Alberto Agra matapos
niyang paburan ang dalawang Ampatuan na aniya’y walang kaugnayan sa Maguindanao Massacre!
Lintek
na buhay ito! Lalong dadami ang kriminal sa bansa!
Kung si Agra ang nasa kalagayan ng mga kaanak
ng mga biktima ng karumal-dumal na Maguindanao Massacre baka nagbigti na ito.
Nguni’t hindi
na maipagtataka kung bakit naging ganu’n na lang ang desisyon niya.
Normal na sa mga abugado
ang pagiging sinungaling lalo na’t may gabalde-baldeng pera ang imumudmod sa kanila ng kanilang kliyente. Ha ha ha ha!
Sa makatuwid, hindi na maaaring bawiin ni Agra ang kanyang desisyon dahil kapag ginawa niya ito, tiyak gugulong
ang kanyang ulo sa EDSa pati ang kanyang pamilya! Ha ha ha!
Ang masasabi ko na lang sa ating mga
kababayan, malas lang tayo at dito tayo pinanganak sa Pilipinas na tirahan ng mga abusadong nakaupo sa gobyerno!
Samantala, panawagan ko ulit sa mga kasama natin sa PHLCO at PHLRC, may meeting po tayo sa Linggo, alas tres
ng hapon sa Quezon City Memorial Circle. Pagkatapos ng ating meeting, tutulak tayo sa ating tahanan sa Antipolo City, ang
lugar kung saan inambush ng NPA ang dalawang pulis at dalawang sibilyan kamakailan. He he he! Joke lang. Malayo iyon sa amin.
Sa Cogeo lang kami. Wala kayong dapat ipag-alala ‘pag kasama ninyo ang inyong lingkod.
Nag-text
pala sa atin kahapon si Ka. Rolly Malupa.
Anak ng teteng, mali pa lang ‘yung picture na
nailagay natin kahapon sa PHLRC Member’s Profile.
Si Ka. Rolly Malupa pala ‘yung nasa
picture na na-publish kahapon at hindi si Ka. Nelson Tumala! Ha ha ha!
Pasensya na, tao lang.
At least, lalo ko nang nakilala kung sino at ano ang mga pangalan ninyo. Pare-pareho po kasing mga guwapo... siyempre,
kasama na ako doon! Ha ha ha ha!
Nag-text din sa atin kahapon si Ka. Edwin Rosaldo. Gusto niyang
makipagkita sa atin sa may Litex sa Quezon City.
Nang tanungin natin siya kung bakit, gusto na
raw niyang makuha ang kanyang PHLRC uniform. Excited na excited na raw siya. Ni hindi nga raw siya makakatulog ng maayos,
he he he!
Ang ikinatatakot pa ni Ka. Edwin, baka maubos ang kanyang money bago mag-Linggo. Ang
payo natin sa kanya, magtira na lang para sa kanyang uniporme.
Ang uniporme po ng PHLRC ay nagkakahalaga
ng P360. ‘Pag maraming plain sweatshirt ang bibilhin natin, makaka-save tayo ng P20 dahil P160 na lang ang isa mula
sa P180 na orihinal na price nito. Nagkakahalaga naman ng P150 ang pag-print ng ating PHLRC logo kasama na ‘yung mga
text ng mga pangalan sa harap ng ating uniporme. P50 naman ang halaga ng tinatawag nilang press fee. May charge na P50 (press
fee) kapag hindi ka sa kanila (pagawaan) bibili ng damit. Paano nga naman tayo bibili kung wala naman silang plain sweatshirt!
Toink!
Ang uniporme po ng PHLRC ay gawa sa trabahong pang-propesyonal kaya’t
maganda ang kinalalabasan ng ating uniporme. Klap, klap, klap!
Sa mga gustong sumapi sa PHLRC,
punta lang kayo bukas sa Quezon City Circle sa may Bicycle Station, mula alas 3:00 hanggang alas 5:00 ng hapon.
Dalhin ang xerox copy ng inyong driver’s license at rehistro ng inyong motorsiklo! Welcome po sa PHLRC!
Adios amigos!