Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC na ang ibig sabihin ay Pinoy Hot Line Riders
Club.
***
Sa pagmamadali
natin kahapon, nakalimutan ng inyong lingkod na idetalye ang pamagat natin hinggil sa Achievement Award para sa Leyte Team
na matapang na sumugod sa bayan ng Sogod, Southern Leyte.
Sa darating
na Enero 9 (Linggo), magkakaroon ng emergency meeting ang lahat ng kasapi sa Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC) sa Quezon
City Memorial Circle (QCMMC) sa oras na alas-10: ng umaga. Lahat ay obligadong pumunta.
Sa araw na ito, bibigyan ng parangal ng PHLRC ang Leyte Team bilang pagpupugay dahil sa kanilang husay at katapangan
sa Leyte Invasion na may temang “Sugod sa Sogod”.
Ang bayan ng
Sogod ay may layong 1,054 kilometro mula sa Luneta Park, Manila.
Sa
totoo lang, mga kapatid, hindi biro ang biyahe ng Leyte Team.
Tayong
mga ‘di nakasama sa biyahe, kapag iniisip natin ang biyahe na ito, napapagod na tayo, paano pa kaya kung sa akto?
Nitong nakalipas na mga araw, habang nilalathala natin sa kolum na ito ang updates
sa Leyte Invasion, marami ang nagte-text sa inyong lingkod na nagtatanong kung narating na ba ng Leyte Team ang bayan ng Sogod.
Lahat sila ay isa lang ang sinasabi, “Ang layo nu’n!” at “Kaya ka nila iyon?”
Ang tagumpay ng Leyte Team ay tagumpay rin ng Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC).
Bilang kasapi sa samahang ito, ang sarap isipin na narating ng ating mga kapatid ang bayan ng Sogod.
Proud tayo sapagka’t isa ang PHLRC na nakapagbiyahe ng ganito kalayong lugar.
Nguni’t hindi natin natanong, ano ba ang nararamdaman ng Leyte Team habang sila ay nasa biyahe?
Kamakalawa ng gabi, nag-text si Ka. Glen Maglalang, isa sa mga nakasama sa Leyte
Invasion... dama-damang ko ang hirap na kanilang dinaranas. Narito po ang kanyang text.
***
“Good evening, Founder. Maraming kapatid natin ang natuwa
sa katuparan na aming naabot. Subali’t hindi nila alam ang hirap na aming dinanas. Simula pa lang sa Laguna ay
basa na kami sa ulan. Doon nagsimula kaming magtiis at makipagtuos sa ‘di mawaring panahon. Kahit sa ferry boat ay sinasabayan
pa rin kami ng ulan at malalaking alon. Subali’t hindi kami natitinag dahil sa hangad naming lahat na marating ang Leyte.
At isa sa amin ang muntik nang bumitaw dahil sa hirap, pagod at antok at iyon ay si Ka. Jojo Parilla na minsan ay 15kph na
lang ang bilis ng takbo. Medyo nahihirapan kami sa papapalit-palit naming pag-alalay kay Ka. Jojo. At isa pang nagpabagal
sa aming paglalakbay ay ang malakas na paghampas ng hangin na minsan ay tinatangay ang aming mga motorsiklo. Pero tuloy
pa rin kami kami hanggang manumbalik ang lakas ni Ka. Jojoj. Halos maikot na namin ang buong Leyte, hanggang marating namin
ang San Juanico Bridge sa Samar at ang Agas-Agas Bridge sa Leyte. Hanggang abot kamay na namin ang bayan ng Sogod, Leyte.”
–Ka. Glen Calalang