Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC.
***
Good day, Philippines!
Ika-7 ng Agosto ngayon, araw na Sabado,
2010!
Tumataas
talaga ang kilay ng inyong lingkod kapag may nakitang maling spelling o nawala sa grammar ang bawat paragraph ng ating kolum.
‘Yan ang resulta
kapag lasing ang proofreader! Ha ha ha!
Kamakalawa ng gabi, isang suicide bomber ang umatake sa Zamboanga Airport. Patay ang may pakana
ng pagsabog at marami ang nasugatan.
Nagmistulang Iraq na ang Pilipinas!
***
Sinibak ng Malakanyang ang hepe ng PAGASA na si Director Nilo.
Marami kasing nahilo sa forecast ni Nilo!
He he he he!
***
Ang
dalawang LPA o low pressure area ang magiging dahilan ng madalas ng pag-ulan sa bansa.
Ibig sabihin, ang LPA rin ang dahilan kapag
nagkatrapik sa iba’t ibang lansangan sa Metro Manila dulot ng pagbaha.
***
Binulabog ng bomb threat ang Iloilo Airport kahapon.
Dapat arestuhin at ipakulong
‘yung responsable ng bomb threat na iyon!
***
Pulitika umano ang dahilan ng Zamboanga bombing, ayon sa teorya ng pulisya.
Ayon nilang masangkot ang Malakanyang dahil sa sigalot na
nararanasan ng Philippine Air Lines (PAL).
***
Ibinasura ni P-Noy ang EO 883 ni dating Pangulong Arroyo.
Pruweba lang iyan na wala nang kapangyarihan si Gloria.
***
Inaprubahan ng US Government’s Millenium
Challenge Corporation (MCC) ang P20 bilyon para sa Pilipinas.
‘Wag sanang mapunta sa bulsa ng mga natitirang korap na opisyales
sa bansa.
***
Palalawigin pa ng anim
na buwan ang state of emergency sa lalawigan ng Maguindanao.
Baka bigla raw kasing maghahari ang mga Ampuan doon.
***
Nagkulong sa bahay si Sulu Gov. Tan matapos
ang naganap na pagsabog sa Zamboanga Airport kung saan siya umano ang target ng suicide bomber.
‘Wag lang sanang magkasunog sa kanilang
bahay! Ha ha ha!
***
Pinull-out
ng mga awtoridad ang beer advertisements ni Cristine Reyes dahil malaswa raw ito.
Sayang, sabi ng kaibigan kong barako! Ha ha ha!
***
Pinaiimbestigahan ni Piolo Pascual ang
impostor ng kanyang anak sa Twitter.
Okey lang daw sana kung ‘di gay! Hek!
***
Bukas ng umaga, sakto alas 8:00, tutulak ang Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC) sa Montalban, Rizal
kaugnay ng kaarawan ng anak nina Ka. Ronald at Rowena Mendez.
Paalala: Isuot ang uniporme ng PHLRC bago ang take off sa Quezon City Memorial
Circle. ‘Yung mga wala pang uniporme, kailangang magsuot ng black na jacket pero kailangang may PHLRC sticker na ang
inyong motor. Kita-kits bukas!