Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC na ang ibig sabihin ay Pinoy Hot Line Riders
Club.
***
PINARANGALAN
kahapon ang anim na miyembro ng Philippine National Police (PNP) na nakadakip sa killer ni Konsehal Reynaldo Dagsa ng Barangay
35, Maypajo, Caloocan City na si Arnel Buenaflor, na naaresto sa Barangay Kalabasa, Aurora Isabela noong Huwebes ng alas-10:00
gabi.
Hanggang sa kasalukuyan, patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad
ang motibo sa pagpatay sa konsehal. Nguni’t, sa kabila nito, ayon sa ating source, kung hindi umano nahuli si Beunaflor,
uubusin umano nito ang pamilya ni Dagsa.
Ang mastermind umano sa krimen
ay dating opisyal ng barangay sa Maypajo, Caloocan City na siyang nag-utos kay Buenaflor.
“Kung hindi nadakip ‘yung killer (Buenaflor), papatayin daw niya ang lahat ng miyembro ng pamilya ni Dagsa,”
ayon pa sa source ng Pinoy Hot Line, “Yung dating opisyal ng barangay ang mastermind daw diyan... binayaran niya ‘yung
killer,” dagdag pa ng ating impormante.
***
Isang motorsiklo ang sumalpok sa Honda CRV na minamaneho ni Francis Perez sa Quezon City Memorial
Circle corner Commonwealth Avenue, Quezon City dakong alas-10:00 ng gabi nitong Enero 7.
Ayon sa ulat ng field reporter ng Pinoy Hot Line na si Ka. Reynante Orag, ang rider ng motorsiklo ay nakilalang si
Joel Trapero Maniwis na kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa isang pagamutan.
Mabilis umano ang takbo ni Maniwis nang mawalan ito ng kontrol at sinalpok nito ang kotse na nasa unahan.
“Dahil sa sobrang bilis ng takbo niya (Maniwis), sumalpok siya sa kotse... sa sobrang lakas
ng impact, sumabog pa ang gulong na reserba na nasa likod ng kotse. ‘Yung driver po ng kotse ang tumawag ng ambulansya
para matulungan ‘yung biktima,” ayon pa kay Ka. Renante.
***
ISANG mini delivery truck naman ang tumagilid sa Subic-Clark-Tarlac Expressway
(SCTex) nitong Enero 8, 2010 dakong alas-3:20 ng hapon.
Ayon sa ulat ni Ka.
Karen Rocero, hinihinalang nawalan ng preno ang naturang sasakyan kaya’t ibinangga ito ng driver sa gater ng SCTex dahilan
para ito ay tumagilid.
Sa kaparehas na lugar, isang kilometro ang layo,
bahagyang nagkaroon naman ng problema sa daloy ng trapiko sa katulad din na lane, matapos na magkaroon na makapal na usok
na bumalot sa daan dahil sa pagsusunog ng mga damo roon.
Kaagad namang
rumesponde ang mga pulis para maalalayan ang mga motorista.