Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC na ang ibig sabihin ay Pinoy Hot Line Riders
Club.
***
NAGKAWATAK-WATAK
na ang bandang Bamboo na siyang nagpasikat sa mga kantang “Noypi” at “Halleluyah”. Kinumpirma naman
ito ni Bamboo Manalac na siyang vocalist ng naturang banda.
Marami
ang nalulungkot sa balitang ito.
***
TUMAWAG sa Pinoy Hot Line ang reporter ng TORO na si Bryan P. Onofre na naka-beat sa Pampanga.
Aniya, sumalpok siya sa isang tricycle habang lulan siya ng kanyang motorsiklo sa national hi-way
sa San Fernando City.
Binabagtas niya ang hi-way nang biglang
mag-overtake ang isang tricycle at pagkatapos ay biglang humarang dahilan para sumalpok ang kanyang Kawasaki Fury motorcycle.
Sa lakas ng impact, tumilapon umano siya sa malayo kaya’t nagtamo siya ng
maraming galos sa katawan. Nangyari umano ito noong Lunes, alas-7:00 ng umaga.
At dahil sira na ang kanyang motorsiklo, pinalitan na umano ito ng brand new na Honda Dash motorycle ng may ari ng
tricycle.
“Yung motor ko, binigay ko na sa kanya, pinapalitan
ko ng bago (Honda Dash). For Registration pa nga ang nakasulat dito, eh, he he he!” natatawa niyang turan.
***
May report din tayo mula
sa mga field reporter ng Pinoy Hot Line.
Ayon sa report ni Ka. Mario
Fuentes ng PHLRC, isang taxi at trailer truck ang nagbanggaan sa kahabaan ng Quezon Avenue (south bound lane) dakong ala-una
ng hapon, kamakalawa.
Ayon kay Merlito Heriga, 29, residente ng Gozon
Complex, Tonsuya, Malabong City, empleyado ng JNB Delivery Trucks ng Unilever, at driver ng trailler truck na may plate no.
XJT 833, binabaybay niya ang Quezon Avenue (sa may underpass) sa Quezon City nang biglang kumabig pakaliwa at nag-cut sa kanyang
lane ang ABC Taxi na may plakang UVA 196 dahilan para masalpok niya ito. Sa sobrang bilis ng takbo ng taxi, sumampa ito sa
gutter ng kalsada. Putok ang gulong sa harap ng taxi, wasak ang front bumper, at yupi rin ang kaliwang bahagi nito.
Ang driver ng taxi ay kinilalang si Larry Quirino, 60, residente ng Bicol Brigade,
Tatalon, Quezon City. Nasugatan naman ang kanang bahagi ng binti ni Bernabe Fracisco, 70, na sakay ng taxi.
***
ISANG motorsiklo naman ang sinalpok ng isang
kotse kahapon ng alas-7:35 ng umaga sa Araneta Avenue corner Mauban St., Brgy. Masambong, Quezon City.
Ayon sa ulat ni Ka. Rolly Malupa ng PHLRC, pauwi na umano si Marlon Manga, driver ng motorsiko,
habang angkas ang kanyang misis galing sa pamamalengke.
Patawid na
umano ang mga biktima sa Araneta Avenue sa kanto ng Mauban nang bigla silang salpukin ng kotse na may plakang LUL 930. Sa
lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang mga biktima sa kanilang motorsiklo.
Matapos
salpukin, tinakasan pa ang mga biktima ng kotseng nakabangga sa kanila. Ang misis ni Manga ay hindi makatayo dahil sa matinding
pinsalang inabot kaugnay ng insidente.
Dinala ang mga biktima sa pagamutan
sa tulong ng mga barangay tanod.
***
MAY nag-tip naman sa atin kahapon na reader ng Pinoy Hot Line.
Wala umanong color coding ang mga bus na Jam at JAC diyan sa LRT-Buendia sa Pasay City.
Tanong ng ating impormate, “Magkano kaya ang lagay?”
***
Pinangalanan na ng impormant ng Pinoy Hot Line ang isang pulis ng San Jose Del
Monte Police sa Bulacan na umano’y ginagamit at binebenta ang mga motorsiklong karnap at narekober.
Kinilala ang pulis na ito na si Sgt. Sabili ng Traffic Management Unit (TMU) ng
SJDM Police.
Sir Sabili, anong sey mo rito?
Bukas ang espasyo ng Pinoy Hot Line para sa iyong paliwanag.
***
HAPPY, happy 10th birthday to Mark Gilbert Notarte, today, Jan. 13, 2011. Greetings
from: Papa Mhar; Mama Jing; mga kapatid, Jimboy, Hanayanele, at Tita Marivic, Tito Ando; mga pinsan, Jhon-Jhon, at Nicole.