Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC.
***
Good day, Philippines!
Mabuhay ang mga motorcycle
riders sa bansa!
Ika-7
ng Hulyo ngayon, taon 2010.
Isinusulat natin ang kolum na ito kahapon, nagpatawag ng emergency meeting sa mga opisyales at mga miyembro ang Presidente
ng Pinoy Hot Line Riders Club na si Ka. Freddie Modesto kaugnay ng 4th Outing ng PHLRC sa darating na Linggo.
Bukas, malalaman na ang
buong detalye para sa outing nating ito, kaya’t standby muna, mga Ka-Riders.
Samantala, ibig naming ipabatid sa lahat ng mga kasapi sa
PHLRC lalo na ‘yung mga hindi nakapunta sa last monthly meeting na isa sa mga rules and regulations ng samahan ang pagkatiwalag
sa miyembro na tatlong besees na hindi uma-attend sa Monthly Meeting.
May penalty na ang mag-absent mula isa hanggang dalawang beses
sa monthly meeting.
Kapag umabot na sa tatlong beses, tatanggalin na ang miyembrong hindi aktibo sa grupo.
Maliban sa pagkatanggal, kailangan din
na isuko o i-surrender ang mga ID na inisyu ng PHLRC sa kaniya o sa kanila.
Plansado na po iyan.
Kuwentuhan ulit tayo, bukas.
God bless, PHLRC!