Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay Pil-RC.
***
MATINDING rakrakan sa daan ang naganap kamakalawa ng gabi nang pauwi na
ang inyong lingkod kasama sina Ka. Rico Rocero, Ka. Ernie Padigdig, Ka. Marvin Fuentes, Ka. Ronnie Terrado, Ka. Jesus del
Agua, at Ka. Diosdado Benitez.
Galing ang aming grupo
sa Alfonso, Cavite nang magpasya kaming umuwi na dahil baka abutin kami ng dilim sa daan, at iyon na nga ang nangyari.
Si Ka. Michael Escol ang naging marshal namin sa pag-uwi habang kasunod
naman niya si Ka. Edgar Maglalang, at Ka. Edwin Rosaldo.
Naganap ang rakrakan matapos mauna at ‘di na makita sina Ka. Michael at Ka. Edgar at Ka. Edwin pagsapit sa SM
Dasmariñas.
Sa Molino Hi-way na pala sila dumaan.
Ang grupo namin ay patuloy na binabaybayan ang kahabaan ng national hi-way
mula Dasmariñas, Imus, Bacoor, Las Piñas, Parañaque patungo na sa Pasay kung saan kami naghiwa-hiwalay.
Ngunit bago kami naghiwa-hiwalay, matinding rakrakan ang naganap sa daan
matapos na pabilisin nang husto ni Ka. Rico ang kanyang takbo na nagpabuhay sa dugo ng aming motorsiklo.
Walang sinasanto kahit sobrang bagal ng trapiko, at kahit butas ng karayom
ay pilit na nilusutan ng aming motorsiklo.
Sa kabila ng lubak-lubak
ang daan, hindi iyon ininda ng aming mga motor basta’t ang mahalaga ay mauna ‘yung dapat mauna!
Bukod sa nagkaroon ng problema ang makina ng motor ng inyong lingkod ay
nagkaroon din naman ng problema ang headlight ng ating sasakyan kaya’t tamang-tama lang ang ating overtake. Paurong-sulong,
ika nga.
Sa kabuuan ng aming matinding habulan,
ligtas naman kaming nakarating sa aming mga tahanan.
Napangiti
na nga lang ako tuwing humininto kami sa stoplight dahil si Ka. Jesus ay naroon pa rin sa likuran ko. Mabilis din pala siyang
magpatakbo! He he he! Galing!
Samantala, sa official
trip kahapon ng Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC), naging masaya ang outing ng samahan na ginanap sa People’s Park
Picnic Groove sa Tagaytay City.
Saglit na naibsan ang
aming mga problema sa kabila ng pressure na dinaranas sa trabaho nitong nagdaang mga araw.
Matapos ang outing sa Tagaytay, tumulak ang PHLRC riders sa Alfonso, Cavite kung saan ginanap ang
birthday celebration ni Ka. Alberto Sanico.
Napaka-friendly ng mga
tao sa kanilang lugar at banaag sa mga mukha nila ang pagiging welcome nila sa kanilang mga bisita.
Mula kay Ka. Alberto, sa kanyang may bahay, mga magulang, mga pamangkin,
mga pinsan, mga kaibigan, at lahat ng kanyang kamag-anak, maraming salamat po sa inyong mainit na pagtanggap sa aming grupo.
Ang pagtungo namin sa inyong lugar ay nakaukit na sa kasaysayan ng PHLRC.
Kumusta na nga pala ang naiwan doon? He he he!
Check
attendance muna tayo sa Tagaytay Trip kamakalawa: Even Demata, Imelda Taganas, Eustaquio Tabag, Nancy Malindog, Renito Arpilleda,
Michael Aghon, Jojo Parilla, Dioscorro Policarpio, Mabel Policarpio, Rico Rocero, Monica Rocero, Jesus del Agua, Alberto Sanico,
Ernesto Padigdig, Maricel Lajom, Edwin Rosaldo, Joan Romo, Daniel Tutor, Freddie Modesto, Michael Escol, Karen Rocero, Ronnie
Terrado, Marvin Fuentes, Theresa Tabiloc, Jhonmhae Dayaday, Henry Sombrio, Sheryll Sison, Glenn Villanueva, Gerry Lanuza,
Jayaron Lanuza, Edgar Maglalang, Mike Cristobal, Bernie Periabrasm Jun Benitez, Julie Tijamo, Renz Vargas, Krizzy Maruzzo,
Marissa Sabanas, at Annie Sanico.