Buenas dias amigos!
Ika-6 ng Abril ngayon ng taong 2010 at araw na Martes.
Bago ang lahat, paalala sa lahat ng miyembro ng Pinoy Hot Line Riders Club, sa araw po na Linggo (Abril 11)
ay magkikita tayo sa Quezon City Circle sa oras na alas- 3:00 ng hapon.
Marami tayong paksa na tatalakayin gaya ng pagpapatupad ng mga rules sa ating sa samahan, uniporme, outing
sa Bataan sa Mayo 1 at maraming-marami pang iba.
Sa meeting din natin sa Linggo ay magkakaroon tayo ng pictorial. Kukunan namin kayo ng larawan habang nakasakay
kayo sa inyong sariling motorsiklo para mai-publish natin dito sa ating hit na hit na kolum.
Pagkatapos ng ating meeting ay tutulak tayo sa tahanan ni Discoro Policarpio sa Makati City para ipagpatuloy
ang talakayan habang humihigop ng mainit na sabaw ng papaitan! Ha ha ha!
Nais din natin palang pasasalamatan si Ka. Nelson Dumala na siyang nanguna sa pag-ayos ng na-flat na gulong
ng mga motor ng mga kasama natin sa PHLRC sa outing natin sa Nasugbu.
Samantala, sa mga gustong magpa-member sa PHLRC, makipag-ugnayan lang sa mga cellphone numbers na makikita
sa box sa bandang kanan ng ating kolum.
Para maging ganap kayong miyembro ng PHLRC, ipasa ninyo ang xerox copy ng inyong driver’s license at
rehistro ng inyong motor kasama na ang isang pirasong 2x2 o kaya’y 1x1 photo ID.
Sa Linggo nga pala, eksklusibong sa PHLRC lang po ang meeting na ito. Ang monthly meeting ng PHLCO/RC ay
ilulunsad sa darating na Abril 25.
Panawagan nga pala kay Ka. Rey Guinto, paki-text po ulit sa akin ‘yung tinext mo nitong nakalipas na
araw.
Sa lahat din ng PHLCO/RC na nakasama sa outing natin, mapapanood n’yo ang ating video sa www.even.tripod.com
Makikita n’yo na rin ang lahat ng mga larawan doon na kuha sa Nasugbu, Batangas.
Wala na naman tayong espasyo, kuwentuhan na naman ulit tayo tomorrow.
Magandang araw sa inyong lahat at God bless PHLCO/RC!