Buenas dias amigos!
Ika-10 ng Mayo ngayon, Lunes taong 2010.
Araw na eleksyon ngayon!
Sino kaya ang mananalo sa pagka-Presidente at sa pagka-Bise Presidente?
Nawa’y maging malinis ang halalan sa taong
ito, pero teka, ano itong natanggap kong text?
Heto’t sabay-sabay nating basahin. Kumakalat na ito sa mundo na mga cellphones at sa internet.
Narito ang kontrobersyal na text.
“A1 Information: DND Sec. Norberto Gonzales will manage the May election cheating thru Gen.
Bangit, Gen. Prestoza’s project FULLMOON, in favor of Manny Villar... FVR, PUNO & GMA are behind this dirty tactics
with a certain computer expert Hacker MARTIN LEEBIONG, a Korean national. He will do the switching of prepared CD. Please
pass so Filipinos will know this evil plan, from Chit Saavedra cp# 09091388077. Please pass asap! This is true!”
Iyan ang natanggap nating text kahapon. Ewan ko lang kung may katotohanan iyan o wala, basta ang
sa atin lang ay maging alerto ang sambayanang Pilipino sa eleksyong ito.
Sayang ang boto n’yo kung dadayaan lang pala ng mga gahaman sa kapangyarihan.
Wala ring mangyayari ang PCOS na iyan kung mayroon
pa rin palang dayaan. Hay, ang hirap maging Pinoy!
Sa ganang atin lang naman, ilang taon na rin tayong nakatutok sa computer. Halos ang bagay na ito ang kasa-kasama
natin araw-araw saan man tayong magtungo.
Direkta kong sasabihin sa inyo, mas madaling mandaya sa computer!
Kung maraming kabutihan sa computer lalo na sa mundo ng internet, mas marami pa ring kalokohan dito,
lalo na ‘yung tinatawag na pangha-hack sa mga matandyag na websites at mga emails.
Kamakailan lang, napasok ng hacker ang tatlong website ng pamahalaan, kaya’t
malamang na ‘di malayong isipin natin na mapasok din ng mga hacker ang systems ng Smartmatic.
Kung kayang magwaldas ng milyon-milyong pisong salapi ang mga kumakandidato
sa pagka-Pangulo, magbayad ka lang kung magkano man ang hihingiin ng hacker, tiyak na ang pagkapanalo mo!
Tandaan n’yo, mas madaling mandaya sa computer
kaya’t posibleng magkatotoo rin ang kumakalat na text na ‘yan.
Bagama’t marami nang kabataan ang natutong gumamit ng computer, milyun-milyon pa ring Pinoy
ang wala pang kamuwang-muwang sa bagay na ito. May daya man o wala, iyon ang hindi nila alam.
Samantala, ilang araw na lang ay meeting na ng Pinoy Hot Line Riders Club
(PHLRC) sa Quezon City Memorial Circle sa darating na Mayo 16, 2010 sa oras na alas-3:00 ng hapon.
Napakahalagang paksa ang tatalakayin natin sa meeting nating ito, kaya
sana ay makadalo ang lahat ng miyembro ng PHLRC.
May isa-suggest si Ka. Rico Rocero para sa ikagaganda ng ating samahan na tiyak ko na sasang-ayunan ng lahat ng ating
mga kasama sa PHLRC.
Adios amigos!