NAPA-WOW! ang inyong lingkod nang papasok na sa club house ng Kingsville Heights Subd., sa Inarawan,
Antipolo City nang makita natin sa pinto pa lang sina Ka. Karen Rocero at Ka. Nancy M. na abala sa pag-aasikaso sa papasok
din na mga kapatid sa samahan.
Napabilib ako nang makita ko ang isang kapirasong
papel na may nakasulat na “REGISTRATION” para sa lahat ng kapatid sa PHLCO/RC na naroon sa X’mas Party.
Akala ko, sa iba lang mayroong ganito.
Kitang-kita rin natin
na pinaghirapan at pinaghandaan nang husto nina Ka. Karen Rocero, Ka. Ronnie Terrado, Ka. Marvin Fuentes at Ka. Ma. Theresa
Tabilog ang Christmas Party ng Pinoy Hot Line Civic Organization and Riders Club (PHLCO/RC) kamakalawa dahil sa maganda ang
pagkakalatag ng mga dekorasyon sa buong paligid ng pinagdausan ng pinakamalaking event ng samahan sa pagtatapos ng taong 2010.
Parang masayang-masayang nangangaway ang mga dekorasyong iyon.
Batid natin na hindi “easy” ang ginawang paghahanda ng apat nating kapatid sa samahan sa pagpaplano ng mga parlor
games sa okasyong ito. Kaya, para sa inyo, mga kapatid na Karen, Ronnie, Marvin, Ma. Theresa, isang marangal na pagpupugay
ang iginawad ko sa inyo! Mabuhay kayo, mga kapatid!
Samantala, isang
marangal na pagpupugay rin ang iginawad ng inyong lingkod sa mga kapatid naman natin sa PHLCO na si Ka. Mark Joseph Gomez
at kay Ka. Rey Guinto lalong-lalo na sa Internal Secretary ng PHLRC na si Ka. Nancy M. na buong magdamag na inihahanda ang
food para sa X’mas Party. Bagama’t pagod at puyat na, kitang-kita pa rin natin sa kanila ang taus-pusong paglilingkod
alang-alang sa samahan. Mabuhay rin kayo, Ka. Rey, Ka. Mark Joseph, at Ka. Nancy M.!
Maraming-maraming salamat din po kina Ka. Rolly at Jocelyn Malupa dahil sa pagdala nila ng kanilang sound system at
jeep kung saan ito ang ginamit sa pagkarga ng ilang mahahalagang kagamitan para sa naturang okasyon. Mabuhay rin po kayo!
At siyempre pa, maraming-maraming salamat din sa lahat ng kapatid sa samahan, na
bagama’t wala pang tulog ang iba habang ‘yung ilan naman ay mayro’ng karamdaman, dahil sa kanilang pakikiisa
sa makasaysayang okasyong ito ng Pinoy Hot Line Civic Organization and Riders Club!
Sa nakalipas na mga Christmas Party, ito na ang pinakamasayang Christmas Party na aking naranasan at nadaluhan!
Mabuhay po ang ating samahan! Sana’y marami pang Christmas Party ang darating
sa PHLCO/RC!
Marami pa tayong pag-uusapan bukas.
Samantala, narito naman ang attendance sa X’mas Party ng PHLCO/RC.
1. Ammie Sanico
2. Mae Ann Maglalang
3. Riza Maglalang
4. Jewelyn Quirog
5. Carlos Padilla
6. Gerald Malupa
7. Gerome
Malupa
8. Gizelle Malupa
9. Rody Malupa
10. Arnel Valencia
11. Sheryl Sison
12. Rachel Anne Paycana
13. Irish Enriquez
14. Dong
Sagaysay
15. Mayeth Florentino
16. Trixia Mendoza
17. Dancel Morei Madriaga
18. Christian Jay Mendez
19. Christopher
James Mendez
20. Even Axle Demata
21. Imelda Taganas
22. Eustaquio Tabag Jr.
23. Diosdado Benitez Jr.
24. Mark Joseph
Gomez
25. Henry Sombrio
26. Reynaldo Guinto
27. Nancy Malindog
28. Wilma Quirog
29. Alejandro Parilla Jr.
30. Even Demata
31. Vel
Dador
32. Edgar Maglalang
33. Freddie Bonto
34. Dioscorro Policarpio
35. Alberto Sanico
36. Rex Nañoz
37. Reynaldo Dispo
38. Lawrence Enriquez
39. Jonalyn Enriquez
40.
Maricel Lajom
41. Ernesto Padigdig
42. Gary Lilio
43. Rolly Malupa
44. Jocelyn Malupa
45. Daniel Tutor
46. Albert Sanchez
47. Dhon
Cortona
48. Mike Cristobal
49. Sulficio Fernandez
50. Rico Rocero
51. Monica Rocero
52. Karen Rocero
53. Ronnie Terrado
54. Ruben
Cabrillas Jr.
55. Dhionel Pilan
56. Flor Mamza
57. Jesus Del Agua
58. Marvin Fuentes
59. Ma. Theresa Tabilog
60. Michael Escol
61. Dan
Alfred Madriaga
62. Ronald Mendez
63. Glen Calalang
64. Julie Cahamo
65. Glenn Villanueva
66. Michael Aghon
67. Renito Arpilleda
***
PAHABOL: Happy 20th Years Anniversary Reunion ng Tropang Hi-way sa Binangonan,
Rizal na sina Hake, Ramon, Judel, Benjie, Tupeng, Odek, Gilbert, Jeff, Dindo, Ricky, Santy, Bogs, Tottot, Allan, Jotan, Bernie,
at Longakit family. Pagbatil mula kay Edgar Maglalang, PHLC Adviser.