Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC.
***
BUENAS dias, amigos!
Ika-25 ng Hunyo ngayon, taon 2010.
Ilang araw na lang ay monthly meeting na
ng pinagsanib na samahan, ang Pinoy Hot Line Civic Organization at Pinoy Hot Line Riders Club sa Quezon City Memorial Circle.
Kita-kits, mga kasama!
Nag-text sa atin kahapon
si Ka. Dan Alfred Madriaga.
Tinanong niya sa atin kung sa Linggo na raw po ba ang oataking talking ng mga opisyales ng PHLRC.
Ang tugon po natin sa kanya
ay nakadepende pa kay Ka. Rico Rocero.
Sa pagkakaalam po natin, niluluto na ni Ka. Rico ang pormal na panunumpa ng mga opisyales ng samahan
katuwang si Ka. Ronnie Terrado.
God bless, PHLRC officers!
Marami pa rin ang nagtatanong sa inyong lingkod kung paano magpamiyembro sa PHLRC.
Ang naipayo natin sa kanila
ay magpunta na lang sa PIT SHOP sa 153-D Araneta Avenue, Quezon City, hanapin lamang sina Marlou at Ernie.
Malapit ang PIT SHOP sa
SM Sta. Mesa.
Samantala, ulat panayon naman para sa araw na ito.
Ang buong bahagi ng Hilagang Luzon at Mindanao ay magiging maulap na may
pagkulog-kulot at pagkidlat at kalat-kalat na pag-ulan.
Ang buong bansa ay magiging maulap na may kalat-kalat na pag-ulan o pagkulog
at pagkidlat sa bandang hapon o gabi.
Kahapon, ang Low Pressure Area (LPA) ay namataan sa North Northeast ng Basco, Batanes na may layong
290 kilometro.
Sa ibang dako, mukhang lumalabo o humihina ang kaso laban sa mga Ampatuan kaugnay ng Maguindanao Massacre matapos
na paslangin ang isa sa pinakamalakas na testigo nitong nakaraang Linggo.
Ito ngayon ang pinangangambahan ng mga kamag-anak na mga biktima.
Buhay na buhay pa rin ang
demonyo sa Maguindanao Massacre.
Adios amigos!