Ang tamang pagbigkas ng
PHLRC ay PIL-RC na ang ibig sabihin ay Pinoy Hot Line Riders Club.
***
NARATING ng Leyte Team ng Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC) ang bayan ng Sogod,
Souther Leyte eksakto ala-1:56 ng hapon kahapon. Yeheeeeey!
Narating din
ng Leyte Team ang Agas-Agas Bridge, ang pinakamataas na tulay sa buong Pilipinas! Klap, klap, klap!
Kada 30 minuto ay ina-update ang inyong lingkod ni Ka. Nancy Malindog, na sumama rin sa Longest
Trip of the Year na ito ng PHLRC kaya naman ay naihahatid din natin ang ilang impormasyon sa lahat ng kapatid sa samahan partikular
na ang Smart at Talk & Text subscribers. Ayos!
Kahapon, banaag
sa text ng ating mga kapatid sa Leyte Team ang saya na nararamdaman nila bawat lugar na kanilang narating lalong-lalo
na ang bayan ng Sogod, ang pinaka-target na marating ng grupo.
Kasabay
rito, tinawagan din ng inyong lingkod si Ka. Marlou Dahunog, na siyang nagplano sa Leyte Invasion. Nalungkot siya na ‘di
nakasama dahil nasangla nga ang kanyang motorsiklo. Nguni’t sinabi niyang sasama na talaga siya sa susunod na taon.
Nag-text din si Ka. Jojo Parilla, nakasama sa Leyte Invasion, kung saan sinabi
niyang nakulangan pa raw sila sa biyahe at balak nilang tumawid ng Mindanao! Ha ha ha!
Ibinalita rin sa inyong lingkod ni Ka. Glen Calalang, na sobrang saya raw nila nang marating target place ng Leyte
Invasion.
Lakas-loob pa nga raw nilang pinasok ang Sogod Town Hall
at kinausap nila ang bise-alkalde ng nasabing bayan na si Hon. Rufo Olo. Hinihintay rin nila ang mayor na si Hon. Sheffered
Lino Lim na umano’y abala pa sa pagpapakasal.
Congrats, Leyte
Team!
***
Nag-text sa inyong
lingkod kahapon si Pindot ng Team XTRM Xplorer kung saan sinabi niyang lagi raw niyang binabasa ang ating kolum.
Naitanong din niya sa inyong lingkod kung anong mga motor ang ginamit ng Leyte
Team sa Leyte Invasion.
Namangha siya sa sinabi kong maliliit na motor
lang ang gamit ng Leyte Team, at sinabi niyang sobrang layo talaga ang Sogod, Southern Leyte. Bilib siya sa ating mga kapatid
sa samahan.
***
Happy Pinoy Hot Line reading nga pala sa ating mga kaibigang miyembro ng Pinoy Hip Hop na nakabase sa Antipolo City, gayundin
ang 99 Boyz sa naturang siyudad. Isa sila sa mga magaling na sumayaw sa Antipolo City.
***
Samantala, may exclusive report si Ka. Rey Guinto ng PHLCO
hinggil sa isang babae na umano’y biktima ng gang rape na itinapon sa Kasiglahan Villaga, sa Rodriguez, Rizal.