Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC habang sa PHLCO
naman ay PIL-CO.
***
GOOD
day, Philippines!
Masaya at naging matagumpay ang 5th Outing ng Pinoy Hot
Line Riders Club (PHLRC) na ginanap sa Matabungkay Beach Resort, sa bayan ng Lian, Batangas nitong Linggo.
Alas-3:00 pa lamang ng madaling araw ay umarangkada na ang unang batch ng PHLRC na kinabibilangan
ng 17 motorsiklo kung saan ang marshall dito ay si Ka. Rico Rocero.
Bandang
alas-3:30 naman ng madaling araw, sunod na lumarga ang ikalawang batch na kinabibilangan ng 15 motorsiklo kung saan si Ka.
Rolly Malupa naman ang marshall dito.
Alas-6:00 ng umaga na nang magpang-abot
ang grupo sa boundary ng Tagaytay at Nasugbu o sa arko ng Nasugbu sa may Petron gasoline station.
Sinalubong ng umaatikabong na palakpakan at masayang kinakantahan ng 1st Batch nang paparating
na sa naturang lugar ang 2nd Batch. Ang sayaaaaaa!
Saglit na nagpi-pictorial taking ang
buong grupo sa nasabing lugar bago sabay-sabay na bumiyahe patungo sa Matabungkay.
Nagmistulang
piyesta ang bawat kalye na tinatahak ng PHLRC dahil sa sobrang haba ng pila ng mga motorsiklo habang tumatakbo na sinaksihan
naman ng mga residente roon na aliw na aliw habang pinanonood ang samahan. Ang saya grabe!
Ang sabi pa nga ni Ka. Vladdy Lito Lati sa kanyang Facebook account, “Ang sarap talaga ‘pag nasa biyahe
na ang grupo. Ang ganda tignan ng samahan.”
Maraming-maraming salamat sa lahat ng
marshall at ride sweepers sa pangunguna ni PHLRC Board of Trustee Renito Arpilleda na siyang humawak sa komite sa seguridad
ng samahan sa biyahe gayundin kay Ka. Ronnie Terrado na siyang tumatayong chairman dito.
Many, many thanks din kina Ka. Jesus del Agua at kay Ka. Michael Escol na siyang gumawa ng mini flag ng PHLRC na
ikinabit sa ating mga motorsiklo. Galing!
Salamat din sa mga nag-sponsor sa ating
pananghalian at hapunan na sina Ka. Nancy Malindog at Ka. Dan Alfred Madriaga.
Naudlot
nga pala ang letson na ibabahagi sana natin sa ating mga kasama nang araw na iyon sapagka’t may kamahalan ito sa Lian
kumpara rito sa Maynila. Kinapos tayo sa badyet! Ngeek!
Gayunman, ang
kalahating halaga (na ibibili sana ng letson) ay inambag natin sa naturang okasyon habang ang kalahati naman nito ay inilagak
ng inyong lingkod sa PHLRC bilang pandagdag sa pondo ng ating samahan.
Nag-text
nga pala si PHLRC President Ka. Freddie Modesto kahapon. Narito ang kanyang mensahe.
“Good morning, Ka. Even. Can you please publish
PO3 Tolentino, A. of Brgy. Calo Public Assistance Office, Nasugbu, Batangas, for allowing us to park parked beside there outpost
because they don’t allow any vehicle to park near the outpost but because we asked PO3 Tolentino to allow us to park
for awhile till the 2nd Batch to arrive, he permitted us. And also we gave thanks to Ka. Lawrence Enriquez sa sipag at galing
dahil siya ang nagkukumpuni sa mga trouble mechanical noong kami’y pauwi.”
—Ka. Freddie Modesto, PHLRC President
Sa biyahe ng PHLRC nang araw na iyon, tatlong kasama natin sa PHLRC ang na-flattan: sina Ka. Mike Cristobal, Ka.
Glenn Villanueva, at Ka. Freddie Modesto, na umano’y dalawang beses na-flattan.
Nagkaroon din ng konting aberya sa pagitan ng mga motorsiklo nina Ka. Jesus del Agua at Alberto Sanico pero sinagot
na ito ng grupo. Ang aberya sa daan ay hindi talaga maiiwasan.
Salamat
nga pala sa ating mga medics na sina Ka. Nancy Malindog at Ma. Theresa Tabilog, sa ating Reserved Driver na si Ka. Eustaquio
Tabag Jr. at sa ating Chief Mechanic na si Ka. Michael Aghon, sa mga nag-aasikaso ng food na sina Ka. Dan Alfred Madriaga,
Ka. Anthony Ortega sa pangangasiwa ni Ka. Rolly Malupa, sa lahat ng mga marshalls at ride sweepers sa pangangasiwa ni Ka.
Renito Arpilleda, gayundin sa ating mga camerawoman na sina Ka. Karen Rocero, Ka. Nancy Malindog, at Ka. Maricel Lajom.
Sa kabuuan ng Matabungkay Outing Part 2, ito na ang pinakamasaya sa lahat ng outing ng samahan
sa kasalukuyan! 100% ang ibibigay kong grado sa okasyong ito! Lupit!
Sa
ibang dako, nag-text sa atin kahapon ang Operation Manager ng isang subdibisyon na pagdadarausan sana ng motorcade sa darating
na Linggo, Oktubre 10. Nagkaroon daw ng problema sa loob mismo ng naturang subdibisyon kung kaya’t postpone muna ang
motorcade. How sad naman!
Gayunman, tumawag naman sa inyong lingkod
kahapon ang bagong napiling adviser ng samahan na si Ka. Edgar Maglalang. Sana raw ay makadalo ang mga kapatid natin sa PHLRC
sa araw na Linggo, Oktubre 10, kaugnay ng kanyang kaarawan. Makakarating kami, Ka. Edgar!
Isinusulat natin ang kolum na ito, kitang-kita ng dalawa kong mata ang kalendaryo namin sa bahay.
Ang Nobyembre 1 pala ay araw na Lunes kaya’t mahaba-haba ang bakasyong ng mga Pinoy rito.
At siyempre pa, may nalalanghap na naman akong outing sa Real, Quezon Province! Yeheeeeeeey!
Isasangguni natin ito sa mga opisyales ng PHLRC.
Ubos na naman
ang ating espasyo, bukas... tuloy ang kuwento.
Good bless, PHLRC!