Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC habang sa PHLCO
naman ay PIL-CO.
***
GOOD
day, Philippines!
9 days na lang at 5th Outing na ng Pinoy Hot Line Civic
Organization & Riders Club (PHLCO/RC) na gaganapin sa Matabungkay Beach Resort sa Lian, Batangas. Yahooo!!!
Samantala, kasabay ng emergency meeting ng mga opisyales ng PHLRC nitong nakaraang Linggo, inanunsyo
na rin sa harap ng ating mga kasama ang pagtatalaga ng komite ng bawat miyembro ng Board of Trustee ng samahan.
Batay sa napagkasunduan ng mga mahistrado ng grupo, narito ang apat na komite na hahawakan ng mga
kasama natin sa Board.
EVEN DEMATA
Tagapamahala ng samahan.
RICO ROCERO
Tagapangasiwa at tagapangalaga sa kapatid na nanlalamig o ‘di na aktibo.
RUBEN CABRILLAS
Tagapangasiwa sa mga proyektong ilulunsad.
ROLLY MALUPA
Tagapangasiwa
sa paghahanda tuwing may gagawing pagpupulong ang samahan.
RENITO ARPILLEDA
Tagapangasiwa
sa seguridad pangkaligtasan tuwing may biyahe ang samahan.
Malipan pa diyan, nagdagdag din ng opisyales ang PHLRC para matugunan sakaling magkaroon ng sakuna
ang grupo sa daan.
Si Ka. Michael Aghon ay itinalaga bilang CHIEF MECHANIC
ng PHLRC. Nakaatang kay Ka. Michael ang responsibilidad sakaling magkaroon man ng aberya ang motorsiklo ng ating kasama.
Si Ka. Jhun Tabag naman ay itinalaga bilang RESERVED DRIVER ng PHLRC. Hindi siya magdadala ng motorsiklo
sakaling may biyahe ang grupo. Siya ang magmamaneho sa sasakyan ng kapatid natin na nagkaaberya sa daan.
***
Nai-upload na nga pala ng inyong lingkod
sa Youtube ang video natin kaugnay ng kaarawan ni Ka. Rico Rocero at General Monthly Meeting ng PHLCO/RC nitong Agosto 29,
2010.
Nai-link na rin natin ang naturang video sa Facebook account
at website ng PHLRC. Search n’yo sa Youtube:
PHLRC - MONTHLY MEETING (AUGUST 2010)