Buenas dias, amigos!
Ika-26 ng Abril ngayon taon 2010.
Birthday ngayon ng 3 years old kong panganay. Happy birthday, baby! We wish your more birthdays to come.
Isinusulat natin ang kolum na ito, meeting ng Pinoy Hot Line Civic Organization at Riders Club sa Quezon
City Memorial Circle ganap na alas 3-5 ng hapon.
Ia-update na lang namin ito sa inyo kung ano ang mapag-usapan ng samahan.
Isa sa mga puntirya ng meeting ng Pinoy Hot Line Riders Club o PHLRC (PIL-RC ang tamang bigkas) ay
ang outing natin sa Mayo 1 o kaya’y sa 2.
Nguni’t marami tayong mga kasama na nagbigay ng kanilang komento na kung maaari ay sa Mayo 2 na lang
ang biyahe patungong Calatagan sa Batangas.
Karamihan daw po kasi sa mga kasama natin sa PHLRC ay may pasok sa araw na Sabado (Mayo 1) at double pay
raw ang araw na ito sapagka’t ito ay Labor Day.
Anila, mas maganda raw kung alas-3:00 ng madaling araw sa Mayo 2 (Linggo) ay bibiyahe na ang grupo patungong
Calatagan para hindi mainit ang biyahe.
At dahil may mga pasok tayong lahat kinabukasan (Lunes), kailangang alas-2:00 ng madaling araw ay babalik
na ng Maynila ang ating grupo para makahabol tayo sa trabaho.
Ang lahat ng ito ay suhestiyon pa lang naman at hindi pa pinal na napag-usapan.
Malalaman n’yo bukas ang pinaka-final na pasya ng ating mga kasama sa PHLRC.
Marahil, sa may Baywalk sa Maynila pa rin ang meeting place natin bago tayo tutulak ng Calatagan.
God bless us always!
Naubusan na ako ng topic. Bukas na lang ulit.
News muna tayo, mga pare ko! Haist!
Adios amigos!
Larawan ni Britney Spears na bakat ang nipples,
kumakalat; ama, natawa lamang
Natawa diumano ang ama ng pop singer na si Britney Spears nang makarating ang balitang pagkalat ng pictures
ng kanyang anak kung saan bakat ang nipples nito.
Sinasabing hindi na nakakabili ng bra ang pop singer dahil ang kanyang amang si Jamie Spears ang humahawak
ng kanyang personal at financial affairs matapos na nagulo ang buhay at ipinasok sa rehab facility.
Bukod dito, hindi raw kasama sa kinokontrol ng ama ang kanyang mga undergarments.
Ngunit wala naman uamnong problema sa kanilang lugar sa mga ganoong uri ng insidente.
Para kay Jamie, hindi umano mapipilit ang 28-anyos na babae na magsuot ng bra kung talagang ayaw nito.
Source: TMZ