Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC
na ang ibig sabihin ay Pinoy Hot Line Riders Club.
MARAMI ang nagtatanong,
naghihirap na ba ang show ni Willie Revillame na Willing Willie sa TV5 dahil sinuspinde niya ang kanyang mga dancers dahil
sa mababaw na dahilan?
May ilan naman ang nagsasabi, “Baka naman
inuunti-unti na niya sa pagsibak ang kanyang mga tauhan.”
Maliban sa
mga turang iyan, marami rin ang nagsasabi na gimik lang ni Willie Revillame ang isyu na ito... para mapag-usapan ang kanyang
programa.
Alam n’yo kasi, dismayado ang controversial TV host
na si Willie Revillame dahil sa namumuong infighting o kompetisyon sa mga dancers ng kanyang bagong programa.
Una rito ay inihayag ng TV host na totoong sinuspinde niya ang kanyang mga dancers dahil matitigas
daw ang ulo ng mga ito at maging sa Twitter ay pinaabot pa ang iringan ng mga ito.
“Yan ang disiplinang sinasabi ko. Sabi ko sa inyo, pumikit kayo, ibalik niyo yung dati niyong ginagawa nung
nandun tayo sa kabilang istasyon, at anong buhay niyo ngayon. Ang lalaki ng sweldo niyo, almost 40 thousand, may kotse pang
libre,” bahagi ng pahayag ni Willie.
Dagdag pa ng kontrobersyal na
TV host, bawal sa kanyang show ang anumang inggitan at bangayan.
Nabatid
na ang dance choreographer na si Anna Feliciano muna ang pumalit sa WW Girls.
Giit ni Willie, indefinite pa ang suspensyon sa kanyang mga dancers at hindi nito sigurado kung pababalikin niya pa ang
mga ito.
***
ISANG pakikiramay
po ang aking ipinaabot kay Chairman Erwin Catacutan ng Brgy. 62 Zone 6 ng Tondo, Manila sa pagpanaw ng kanyang ina na si Gng.
Corazon Catacutan, na ihahatid sa huling hantungan ngayong araw sa North Cemetery.
–Ka. Rey Guinto ng PHLCO