Buenas dias, amigos!
Ika-15
ng Mayo ngayon, araw na Sabado, taong 2010.
Bukas, Mayo 16, ang Pinoy Hot Line Riders o
PHLRC ay magkakaroon ng meeting sa Quezon City Memorial Circle (sa may Bicycle Station) sa oras na alas-3:00 ng hapon. Mahahalagang
paksa ang pag-uusapan.
Tagubilin: Magsuot ng uniporme ng PHLRC. Bawal naka-tsinelas at naka-short
pants.
Sa lahat naman na gustong sumali sa PHLRC, magtungo lang sa Linggo sa pagdadausan ng aming
meeting sa ganu’n pa ring oras.
Samantala, makukuha na rin sa Linggo ang mga uniporme nila
Ka. Nelson Tumala, Ka. Roger Coming. Ka. Arnel Novelas, Ka. Alejandro Parilla at Ka. Michael Insigne.
Kita-kits
po sa Linggo, mga Ka-Riders!
Sa ibang dako, ang pagkahilig sa motorsiklo ay hinahanapan din ng isang
tao ng may ganitong uri ng pagkahilig. Nariyang panatag siya at palagay kapag ang bagong kilala o kakilalang tao ay may hilig
din sa motorsiklo.
Kung kaya, kapag nakasali ka sa isang grupo gaya ng PHLRC ay nadadagdagan ang iyong
confidence sa sarili at nararamdaman mong pinapahalagahan ka sa naturang organisasyon. Kaya naman, kahit ang ilan ay may Inferiority
Complex sa kanilang sarili, tumataas ang kanilang pagkatao at nawawala kahit paano ang insekyuridad sa iba.
Anu-ano
nga ba ang mabuting dulot ng pagsali sa isang Motorcycle Club?
• Nailalagay mo ang iyong sarili
sa mundo o libangang maiintindihan ng gaya mong riders. Pinapakinggan ang iyong saloobin at nadadagdagan ang tiwala sa kakayahan.
• Nagkakaroon ng bagong kakilala at mga kaibigan kahit magkaiba ng lugar, relihiyon, o kahit na lahi.
Sa kanila nararamdaman mo ang mainit na pagtanggap sa iyong pagkatao at angking talento. Sa kanila o sa mismong organisasyon
ka kumukuha ng bagong lakas, sigla, at inspirasyon upang ang nararamdaman insecurities sa ibang tao ay napupunan ng pakikisalamuha
sa mga kasamahan.
• At bilang isang motorista, hindi nagkakasya lamang sa pagmamaneho
ng motor sa bawat araw ang pagkakaroon mo ng motor. Naikakahon ka kumbaga. Kung miyembro ka ng isang
Motorcycle Riders Club, damang-dama mo ang kakaibang sigla sa bawat sakay at pagpapatakbo mo ng iyong motor. Dahil nalalaman
mo na hindi walang kabuluhan ang pagbili mo ng motor at hindi magkasya lamang sa pagkakaroon mo ng serbisyo bilang transportasyon.
Proud ka at nakakataas ng moralidad kapag alam mo at ng ibang tao na miyembro ka ng isang riders club gaya ng PHLRC.
• Nagkakaroon ka ng ibang libangan at aktibidad dahil sa mga proyektong pinapatupad ng naturang samahan.
Nariyang mayroong excursion, team building, at mga pagpupulong na makakatulong sa komunidad. Sa gayun, hindi masabi na puro
porma lang ang iyong kinaaanibang grupo, Kundi, napapakinabangan sa makabuluhang proyekto gaya ng pagtulong sa kapwa at kalikasan.
• Nalilinang ang pag-unlad sa sarili o Self Development. Kasabay na rin ng pag-unlad na ito ang benepisyo
sa pisikal na pangangatawan. Sapagkat, sa pagmamaneho ng motorsiklo ay namamasahe nito ang ating utak ng 5 beses kaysa sa
pagmamaneho ng ibang behikulo dahil mas mataas ang risk ng nagmamaneho ng motor sa aksidente.
•
Habang nakikilala ang kinaaaniban mong samahan, dala ka sa daloy ng tagumpay nito. Kapag pinuri ang grupo, kasama ka rin sa
gayung pagpupugay. Tatanggap ka sa kapwa ng mataas na pagkilala at respeto kapag halimbawang pinarangalan ang iyong grupo
ng awtoridad dahil sa makabuluhang gawain.