Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC
na ang ibig sabihin ay Pinoy Hot Line Riders Club.
***
NAKA-READY na ang regalo na bibigyan ng inyong lingkod sa Linggo, kasabay ng Christmas Party ng
PHLCO/RC.
Kung sinuman ang nakabunot sa pangalan ko, paki-ready na lang din...
at sana’y gatas na Gain para sa 6-12 months ang iregalo mo sa akin! Nyhahahaha!
Tiyak na magiging masaya ang Christmas Party sa Linggo ng samahan dahil sa mga games na inihahanda nina Ka. Ronnie
Terrado at Ka. Karen Rocero. Siyempre, may mga prizes ito.
***
Kahapon, sa pamamagitan kay
PHLRC President Freddie Modesto, nagpatawag tayo ng emergency meeting para pinal nang mapag-usapan at mapaghandaan pa ng husto
ang X’mas Party sa Linggo.
***
Sa mga kasapi nga pala ng PHLRC at PHLCO na ‘di naka-attend sa emergency meeting noong nakaraang Linggo, may
pictorial tayo sa X’mas Party natin. Pagkatapos ng PHLRC member, ang PHLCO members naman ay ilalagay natin dito sa kolum
araw-araw. Ayos!
***
Samantala, muli na nating nahagilap ang ating cellphone kaya’t puwede nang i-text ang inyong lingkod sa dati pa rin
nating numero.
***
Mamayang gabi, ilang kasapi lalo na ang mga Hardcore boys ang magtutungo sa headquarters ng samahan... para ihanda na ang
mga food para bukas. At sa mga magaling magluto diyan na mga kasapi sa PHLRC, welcome na welcome kayo bukas sa aming bahay.
***
Uulitin
po namin, ang meeting place po bukas ay sa Quezon City Memorial Circle sa oras na alas-5:00 ng umaga.
Isuot ang uniporme ng PHLRC at ikabit ang ating flag sa inyong motorsiklo.
Para maiwasan ang aksidente, sumunod sa marshall at sa ating mga ride sweepers.