Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC
na ang ibig sabihin ay Pinoy Hot Line Riders Club.
***
First, balita muna tayo mula kay Ka. Rey Guinto ng Pinoy Hot Line Civic Organization (PHLCO) hinggil
sa isang babaeng itinapon sa Rodriguez, Rizal. Ayon sa follow up report ni Ka. Ronald Mendez, teller ng Banco De Oro-Binondo
Branch ang biktima. Narito ang report.
***
Isang babae na biktima ng gang rape ang itinapon sa Kasiglahan Village sa Rodriguez, Rizal, ganap na alas 9:00 ng
umaga kamakailan.
Ang biktima ay nakilalang si Mary Rose Llorca ng
166 Tabuk, Angat, Bulacan, 24 years old, teller ng Banco De Oro-Binondo Branch at pansamantalang naninirahan sa Sta. Mesa,
Manila.
Ang biktima ay natagpuan ng isang tricycle driver nang itapon
ng ‘di kilalang salarin sa madamong bahagi ng naturang lugar.
Kaagad
tinungo ng driver ang biktima nang makitang buhay pa ito saka mabilis na isinugod sa Kasiglahan Infirmary para malapatan ng
paunang lunas sa pangunguna ni Dra. Emelia Entuna.
Ayon sa doktora, kailangang
ilipat sa Amang Rodriguez Hospital ang biktima.
Tinutugis na ng mga
awtoridad ang mga suspek.
REY GUINTO
***
(Update) Leyte Invasion - Sa Enero 1 na ang balik dito sa Maynila
ng Leyte Team. Kasalukuyan silang nagpapahinga sa Leyte at sa mga susunod na araw ay lalagariin na naman nila ang kahabaan
ng national hi-way patungong Maynila galing Leyte. Ingat, mga kapatid!
***
Panawagan sa lahat ng PHLRC members. Alam ko, sa Disyembre 31, Biyernes,
ay walang pasok ang karamihan sa atin.
Ibig kong hilingin sa inyo na
tumugon sa kahilingan ng LTO-Binangonan na makiisa sa kanilang aktibidad na motorcade na may temang “Iwas Paputok, Sakuna
at Sunog” sa pangunguna ni BFP Chief Ely Gonzal.
Ang start ng motorcade
ay alas 6:00 ng umaga sa Disyembre 31.
Kailangan na complete uniform
with PHLRC ID at ikabit ang flag ng PHLRC sa ating motorsiklo.
Ang meeting
place natin ay sa may Jollibee-Cogeo, Antipolo City.
Kung galing kayo
ng Cubao, baybayin n’yo lang ang kahabaan ng Aurora Avenue patungong Masinag diretso na sa Cogeo.
Madali lang itong matandaan dahil may makikita kayong overpass sa Cogeo.
Ang oras ng meeting natin ay 5:00 ng umaga.
Makiisa po tayo sa napakahalagang bagay na ito bago matapos ang 2010.
Ayon kay Ka. Edgar Maglalang, sa kanila na tayo manananglian.
For
more info, mag-text lang kayo sa akin sa 09192848266.