Ang tamang pagbigkas ng PHLRC
ay Pil-RC.
***
Who: PHLCO / PHLRC
What: Monthly meeting
Where: Quezon City Memorial Circle (in Bicycle Station)
When: May 30 (Sunday), 2010 at 12:00 noon.
***
Buenas
dias, amigos!
Ika-28 ng Mayo ngayon,
taon 2010.
Bago ang lahat, binabati
ni Ka. Amy, misis ni Ka. Ruben Cabrillas, ang kanyang kumare na si Verge Sucgang na nagdiwang ng kanyang kaarawan kahapon.
Samantala, araw na Biyernes ngayon.
Mamayang gabi, magkita-kita ang mga kasapi at opisyales
ng PHLRC sa PIT SHOP sa Araneta Avenue, Quezon City sa oras na alas 7:00 ng gabi.
Bukod sa magtutungo ang ating grupo sa bahay ni Ka. Alejandro Parilla sa
loob ng Malakanyang sa 278 Arias St., San Miguel, Manila, pipirma na rin ang natitira pang 12 nating kasama sa PHLRC sa mga
forms ng SEC para sa registration sapagka’t ipapasa na natin ito sa darating na Lunes.
God bless, PHLRC!
Sa ibang dako, tinatawagan natin ng pansin ang mga officers ng PHLRC partikular na kay Pres. Freddie
Modesto at Vice Pres. Gerry Lanuza na pangunahan po sana ang paghahanda para sa nalalapit na monthly meeting ng PHLCO at PHLRC
sa Linggo. Batid nating marami tayong kasama ang dadalo sa nasabing meeting.
Sa ibang dako, isang gambling queen umano sa Pasay ang inirereklamo naman
sa text ni Allan Castro sa Pinoy Hot Line.
Ang kanyang code name ay L.A.
Hawak daw nito ang iligal na bookies, lottery, jai-alai at iba pang sugal.
Bukas, tatanggalan natin ng maskara itong si L.A.
Adios amigos!