Buenas dias amigos!
Biyernes na naman ngayon at petsa sahod! Nyahahaha!
Hanggang sa kasalukuyan, marami pa rin ang nag-i-inquire sa Pinoy Hot Line hinggil sa tamang proseso
kung paanong maging member sa Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC).
Gaya nang madalas kong binabanggit sa kolum na ito, kumpletuhin n’yo lang ang mga requirements namin
sa inyo at ipasa iyan sa Linggo, Marso 14, sa oras na alas 4:00 ng hapon doon sa Quezon City Memorial Circle sa Quezon City
malapit sa may rentahan ng bike.
Doon po kasi nagkikita ang mga opisyales at mga miyembro ng PHLRC sa pangunguna ng presidente ng samahan
na si Ka. Freddie Modesto.
May nagtatanong din sa atin kung ang PHLRC ba ay rehistrado na sa Security and Exchange Commission (SEC).
Sa kasalukuyan, hindi pa po nakarehistro sa naturang ahensiya ng gobyerno ang ating samahan, gayunman, naka-reserved
na ang PHLRC sa SEC sa pamamagitan ng kanilang website.
Ang nasabing reservation sa SEC ay umabot ng tatlong buwan simula noong Marso 8, 2010 hanggang June 6, 2010.
Habang patuloy na dini-develop ng mga opisyales ng PHLRC ang mga magiging panuntunan at layunin ng samahang
ito ay walang sinuman ang pupuwedeng gumamit sa pangalang Pinoy Hot Line Riders Club Inc. ‘Yan ang tunay na dahilan
kung bakit kailangang iparehistro sa SEC ang isang organisasyon o samahan.
Samantala, kahapon, marami ang nagte-text sa atin kung saan gustong-gusto rin nilang sumali sa PHLRC.
Ang naipayo natin sa kanila ay pumunta sa Quezon City Memorial Circle at doon ibigay ang kanilang mga requirements
para maging ganap silang kasapi sa samahan.
Tungkol naman doon sa mga nagtatanong kung anong purpose ng riders club na ito, malalaman n’yo ang
kasagutan sa Linggo.
Kita-kits po tayo sa Linggo, mga ka-riders!
Sa ibang dako, para naman doon sa mga kaibigan natin na gustong-gustong sumapi sa Pinoy Hot Line Media and
Civic Organization, makipag-ugnayan lang po kayo sa 09393629811 at 09391139828.
Inaasahan natin na magiging masaya at maganda ang takbo ng PHLMCO sa pamumuno ng ating bagong presidente
na si Ka. Diosdado "Jhun" Benitez katuwang ang kanyang mga opisyales.
Sa ibang topic, naungusan na ngayon si Bill Gates bilang pinakamayamang tao sa buong mundo.
Sa inilabas na ranking ng Forbes Magazine, ang telecom tycoon sa Mexico na si Carlos Slim Helu ang itinuring
na world’s richest man na may kabuuang yaman na $53.5 billion.
Noong 2009, ang yaman ni Carlos Slim Helu ay $18.5 billion at pangatlo lamang siya sa taong iyon.
Ang dating nangungunang si William "Bill" Gates III na siyang founder ng Microsoft ay pangalawa na lamang
ngayon na may $53 billion assets.
Lintek na mga kayamanan na iyan!
Kung ako siguro ang nagmamay-ari ng mga kayamanang iyan posibleng pagala-gala na lang ako sa iba’t
ibang panig ng daigdig! Ha ha ha!
Samantala, idineklara na ni Pangulong Arroyo ang state of calamity ang buong Mindanao kung saan puwede nang
gamitin ng mga local goverment doon ang calamity fund bunsod ng lintek na El Niño.
Marami ang nagtatanong sa atin, hindi kaya gagamitin lang ito sa 2010 elections?
Ayon pa sa texter natin na may cp# 09308106424, mas malala ang korupsyon ngayon kumpara sa panahon ng diktador
na si Ferdinand E. Marcos!
Adios amigos!