Ang tamang pagbigkas
ng PHLRC ay PIL-RC.
***
Good
day, Philippines!
Kumusta ang lahat ng Pinoy nationwide?!
Kumusta ang mga guwapo sa Pinoy Hot Line Riders Club o (PHLRC)?! Yes!
Naumpisahan na ba ang seremonyas? Haist!
‘Yan ang mga banat ni Ka. Renito Arpilleda bago magsimula tuwing may tagayan! Ha ha ha!
Super-super busy ang inyong lingkod nitong nagdaang araw dahil sa ginagawang pelikula para sa Metro
Manila Film Festival! Ngiyaaaaak!
Buwan ng Agosto ngayon, siyempre,
tag-ulan pa rin... katunayan, may bagyo pa sa bansa, ang pangalan ay Domeng.
Speaking of Domeng, pangalan ito ng kapit-bahay namin. Likas siyang mabait at matahimik na tao. Parang ganito rin ang
bagyong Domeng, halos magkatugma ang kanilang ugali.
Ang bagyong Domeng
ay patuloy na humihina habang papasok ito sa bansa.
Kahapon, inuulat
ng PAGASA na may bago na naman Low Pressure Area (LPA) na kanilang namataan. Nasa buntot lang daw ito ni Domeng.
Sakaling ganap itong maging bagyo, ang pangalan naman nito ay Ester. Paktay!
Hmmm.... may kapangalan pa rin si Ester na kapitbahay namin... pero isa naman siyang
titser.
Ang kanyang ugali ay madaldal, medyo malupit sa kanyang mga
estudyante, pero hindi siya nananakit. Medyo maarte itong Ester na kapitbahay naming titser.
Ewan ko na lang kung magkaugali sila ng bagyong Ester. Abangan na lang natin.
Samantala, kumusta nga pala sina Ka. Ernie Padigdig, Ka. Marlou Dahunog, at Ka. Dan Alfred Madriaga? Guwapo pa rin
ba sila tulad ko? Ha ha ha ha! Joke lang.
Siya nga pala, malapit na
pala ang araw na Linggo. A’mbilis!
Speaking of Linggo, tutulak
ang PHLRC sa bahay nina Ka. Ronald at Rowena Mendez sa Montalban, Rizal.
Imbitado
po kasi ang PHLRC kaugnay ng kaarawan ng anak nila Ka. Ronald at Ka. Rowena. Anyway, advance!
Bago magtungo ang ating grupo sa Montalban, magkakaroon muna ng aktibidad ang PHLRC sa Quezon City
Memorial Circle (QCMC) kaugnay ng ika-4 na Linggo na “TAKBO PHLRC” sa oras na alas 5:00 ng madaling araw. Kita-kits
na lang, mga Ka-Riders.
Sa ibang dako, kamakalawa ng tanghali, personal
na inabot sa atin ni Ka. Nancy Malindog ang talaan o listahan ng mga kasapi ng PHLRC. Umabot na pala sa 51 ang miyembro ng
ating samahan.
Ayon kay Ka. Nanz, apat lang ang ‘di aktibo sa
ating grupo. Kapag ‘di sila makarating sa darating na monthly meeting, tuluyan na silang ititiwalag sa samahan.