Buenas dias amigos!
Ika-8 ng Mayo ngayon, araw na Sabado taong 2010.
Malapit na ang araw ng 2010 election. Sa Lunes na!
Sino’ng kumakanditatong pagkapresidente ang ang iboboto n’yo?
Bumoto lang po ng tama lalo na kung may ibibigay na pera! Ha ha ha!
Ngayong suportado ng Iglesia ni Cristo si Noynoy Aquino, ano ang maiisip n’yo kay Manny Villar?
Siyempre, ang bilyong pisong nagastos niya sa pangangampanya niya. Ha ha ha!
Ito siguro ang dahilan kung bakit si Noynoy ang napisil ng INC sa pangambang puro katiwalian at kurakot lang
ang gagawin ni Villar sa sandaling maluklok ito sa pagka-Presidente ng Pilipinas. Siyempre, babawi ang mama na ‘yan.
Lalong maghihirap ang mahihirap! He he he!
Showbiz muna tayo.
Nag-indefinite leave pala si Willie Revillame sa bakurang ng ABS-CBN.
Ayon kay Wally Peralta, entertainment editor ng TORO, nararamdaman na aniya ni Willie na nanganganib
na ang lagay niya sa ABS-CBN sa oras na maging presidente si Noynoy Aquino. Hu hu hu!
Si Noynoy Aquino ay suportado umano ng Kapamilya Network habang ang iniendorso naman ni Willie Revillame
ay si Manny Villar, paano na ‘yan? Paktay kang bata ka!
Pero, teka, teka!
Sa kolum nating ito. Wala tayong pinapaboran o iniendorsong kandidato.
Maniwala kayo sa akin o hindi, lahat ng mga kumandidato sa pagka-Presidente ng Pilipinas, ‘pag nakaupo
na ang mga iyan, mangungurakot din! Totoo o hindi?
Samantala, kamakawala ng gabi, personal tayong dumalaw sa bahay ni Ka Ruben Cabrillas sa may Royal, Quezon
City kasama sina Ka. Rolly Malupa, Ka Rico Rocero, Ka Renito Arpilleda at bagong miyembro ng ating samahan na si Ka. Alejandro
"Jojo" Parilla ng Manila Chapter.
Pinababago kasi ni Ka. Ruben ang schedule ng b-day celebration ng kanyang anak kung saan isasabay na ito
sa monthly meeting ng Pinoy Hot Line Civic Organization & Riders Club sa darating na Mayo 30, 2010 sa oras na alas 12:00
ng tanghali sa halip na alas-3:00 ng hapon.
Ayon kay Ka Ruben at Ka Rolly, mayroon silang malaking sorpresa sa PHLCO/RC sa Mayo 30. Hmmm... ano kaya
iyon? He he he!
Sa monthly meeting din ng ating organisasyon, magkakaroon din tayo ng chess tournament. Ang manalo ay bibigyan
ng tropeo na galing mismo sa inyong lingkod. Bukod sa tropeo, ilalathala ko rin sa Sports Section ng TORO.
Ginawa nga palang alas- 12:00 ng tanghali ang ating monthly meeting, ito ay para sabay-sabay na ma-nanghalian
ang lahat sa ta-hanan ni Ka Rolly.
Ang meeting place ay sa Quezon City Memorial Circle pa rin. Ang mga miyembro ng PHLCO na walang motor ay
ihahahatid ng ating masisipag na mga ri-ders sa bahay ni Ka Rolly. Galing!
Malayo pa naman ang Mayo 30, kaya’t marami pa tayong puwedeng ia-update sa kolum na ito. Aba-ngan...
Samantala, tinatawagan natin ng pansin sina Ka Glenn Villanueva at Ka Dhionel Pillan. Makipag-ugnayan kayo
kay Ka Renito Arpilleda sa Sabado ng gabi. Text-text na lang daw kayo.
Sa meeting ng PHLRC sa Mayo 16, marami tayong pag-uusapan.
Gaya ng nabanggit ko sa inyo kahapon, magbubuo tayo ng mga alituntutin at batas para sa ating samahan.
May suhestiyon din pala si Ka. Rico Rocero na tiyak na sasang-ayunan ng ating mga kasama.
Adios amigos!