Buenas dias amigos!
Sabado ngayon at walang isyu bukas ang inyong kinagigiliwang pahayagang TORO.
At siyempre, bukas din ay laban na ni Manny "Pacman" Pacquiao kay Joshua Clottey.
Titigil na naman sa pag-ikot ang mundo.
Mababawasan na naman ang krimen sa iba’t ibang panig ng Pilipinas!
Tiyak din na malaki ang ipupusta ni Chavit Singsong bukas! Ha ha ha!
Ang panalo ni Pacquiao bukas ay karangalan ng bawat Pilipino at ng bansa natin.
At kung sakali namang matalo si Pacquiao, si Clottey na ang pinakamasayang tao sa buong mundo! Ha ha ha!
Samantala, bukas din ay magkakaroon ng pagpupulong ang mga miyembro ng Pinoy Hot Line Riders Club at Pinoy
Hot Line Media and Civic Organzation sa Quezon City Memorial Circle sa oras na alas-4:00 ng hapon.
‘Yung mga gustong sumali sa Pinoy Hot Liine Riders Club, pumunta lang kayo sa Quezon City Memorial
Circle at magdala kayo ng isang pirasong 2x2 ID photo, xerox copy ng inyong driver’s license at rehistro ng motor. Para
‘di kayo maliligaw, mag-text lang kayo sa 09199813390.
Kita-kits!
Sa ibang dako, binabati ko ng maligayang kaarawan ang aking mahal na mga kapatid na kambal na sina Lislie
at Liziel Demata na nagdiriwang ng kanilang 17th birthday sa araw na ito, March 13, 2010.
Happy-happy birthday sa inyo, Lislie at Liziel!
Gaya ng inaasahan, kutsilyo lang ang kanilang handa! Ha ha ha! Joke lang.
May nag-text!
Sabi ng kasama natin sa PHLMCO, happy birthday raw sa kanyang sweetheart na si Ka. Jhun Tabag na nagdiriwang
ng kanyang ika-46 kaarawan ngayong araw. "May you have more birthdays to come. I love you." yan ang nakakakilig na mensahe
ni Ka. Mhae sa kanyang sweetheart na si Ka. Jhun Tabag.
At siyempre pa, mula rin sa iyong mga kasama sa PHLMCO, happy-happy birthday to you, Ka. Jhun Tabag!
Sana mapaikot mo ang paningin namin bukas! Ha ha ha!
Mayroon pang nag-text!
"Naging masaya ang isinagawa naming salo-salo para sa mga driver ng PUJ na ginanap sa tahanan ni Ma’am
Linabelle L.V. Villarica. Marami ang dumalo kabilang ang pamilya ng mga tsuper. Hinandugan kami ng masaganang hapunan at entertainment
gaya ng live band at maging si Ma’am LV ay naghandog din ng mga awitin gayundin ang mga ipinamimigay na pa-raffle sa
bawat isa. Ang pagtitipon ay binuo ng inyong lingkod sa tulong ng Villarica Angels sa pangunguna ng mababait na sina Ms. Cora
Pablo, Kapitana Baby Lunaria, Emy Sanggalang, Chito Resurection, Jackie at board member Boy Tamayo at marami pang iba. Marami
pong salamat!
–Ka. Rey Guinto ng PHLCO