Kumusta sa lahat ng Pinoy, Luzon, Visayas, at Mindanao?!
Buenas dias, amigos!
Ika-23 ng Abril ngayon taon 2010.
Paalala ko ulit sa lahat ng opisyales at miyembro ng Pinoy Hot Line Civic
Organization (PHLCO) at Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC), ang ating monthly meeting po ay sa darating na Linggo (Abril 25)
ganap na alas 3:00 ng hapon Sa Quezon City Memorial Circle. American Time po iyan at hindi Filipino Time at mas lalong hindi
Indian Time... baka indiyanin n’yo kami! Ha ha ha!
Sa meeting natin sa Linggo, marami tayong paksa na pag-uusapan at isa na rito ang pagkakaroon ng
proyekto sa darating na Mayo at marami pang iba.
Samantala, nais kong ipabatid sa lahat ng ating kasama sa PHLCO na mayroon na po tayong t-shirt, kulay puti ito at
bago na rin ang logo ng ating organisasyon.
Napag-usapan din pala nitong huling meeting ng PHLRC na lahat ng mga misis o kaya’y girlfriend ng ating mga
riders ay ipapamiyembro sa PHLCO, ito ay para mas lalong sumigla ang grupo lalo pa’t lagi nilang kasa-kasama ang kanilang
mga mahal sa buhay tuwing may meeting ang ating samahan. Astig!
Siya nga pala, nag-text pala sa atin kahapon si Ka. Ronnie Terrado at tinanong niya sa atin kung
bakit daw hindi nasama kahapon dito sa ating kolum ang kanyang pangalan sa listahan ng mga kumuha ng PHLRC uniform gayung
may order naman daw siya. Iyan po ang resulta sa pagiging busy natin dahil sa sandamakmak na raket kaya’t nakaligtaan
na nating maisulat ang kanyang pangalan, he he he! Raket na wala namang income! Toink! Ha ha ha!
Gayunman, okey na po ang PHLRC uniform ni Ka. Ronnie
Terrado aka Dark Blade.
Nag-text
din sa atin kahapon si Ka. Alberto Pasilan kung saan hiniling niyang ipagawa raw natin siya ng PHLRC uniform, nguni’t
pagkalipas ng 8 minuto, nag-text ulit siya at sinabing ‘wag na lamang muna. Toinks!
Samantala, kailangang kunan natin ng larawan sa Linggo ang ilan pa nating
miyembro sa PHLRC para mailagay sa Member’s Profile dito sa ating kolum.
At para naman sa mga readers ng TORO na gustong sumali sa PHLRC lalo na ‘yung naka-text ko
kahapon o sa buong linggong ito, kita-kits po tayo sa Linggo sa Quezon City Memorial Circle (sa may Bicycle Station) sa Quezon
City sa oras na alas 3:00 hanggang alas 5:00 ng hapon.
Pakidala ang xerox copy ng inyong driver’s license at rehistro ng inyong motorsiklo.
Kumusta na nga pala si Ka. Dan Alfred Madriaga mula nang manakaw ang kanyang
motor? Sana nakarekober ka na, Kasama.
Maraming salamat kay Ka. Jaime Andrade at sa mga opisyales ng PNP diyan sa Valenzuela na tumututok sa kaso ng motor
ni Ka. Dan Alfred.
Adios amigos!