Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay Pil-RC.
***
Nag-text si Ka. Jojo Parilla sa inyong
lingkod kahapon para magbigay ng impormasyon hinggil sa pinakahuling kaganapan sa Maynila.
Ani Ka. Jojo, dalawa ang kumpirmadong patay sa ginawang pag-disperse ng Philippine National
Police (PNP) sa mga Kuliglig drivers na nagsagawa ng kilos-protesta sa harap ng Manila City Hall kahapon.
Nangyari ito matapos na magpulasan ang mga Kuliglig drivers nang bombahin ng
tubig ng PNP.
“Nagkagulo po dito sa area ko. Nablangko
po ang isip ko kasi naaawa ako sa mga kasamahan ko pati ang mga babaeng bata na tinamaan ng tubig nang bombahin ng mga pulis,”
dagdag pa ni Ka. Jojo.
Abangan ang iba pang
detalye bukas.
Sa ibang dako, tumawag at nag-text din
sa inyong lingkod kahapon ang ating kapatid sa Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC) na si Ka. Daniel Tutor kung saan ipinagbigay-alam
niya sa atin ang na-survey niyang resort sa Marikina at Antipolo bilang paghahanda kaugnay ng nalalapit na Christmas Party
ng samahan sa Disyembre 19.
Sinabi natin sa kanya
na muling surveyhin ng grupo ang naturang resort sa Linggo sa pangunguna ni Ka. Renito Arpilleda, leader ng WASALAK (Walang
Sawa sa Alak).
Samantala, mainit na isyu ngayon ang Lotto
lalo na ang winner sa 6/55 kamakailan.
Gumawa tayo ang survey
sa Facebook sa pamamagitan ng ating account na Even Demata Official Fan Page.
Tinanong natin sa ating mga kababayan doon kung ano ang gagawin nila sakaling sila ang pinalad na nanalo sa 6/55
lotto na pumalo ng halos P1-bilyon.
Narito po ang kanilang
reaksyon at komentaryo.
Bacho D-Great:
Ido-donate
ko lahat sa Bossran! P780-M lang eh! HURICANE CHAM lang ‘yan saka may isang HOT OFF! ALA PA YAN!
Jing Solomon:
Feeding Program Sa Squatter Tapos Kalahati ng Jackpot Sa Simbahan.
Rovin Enusban:
BIBILAGIN KO MUNA UNG PERA BKA UMUKIT NG 1000 UNG NAG BGAY
Rarah Layon:
Bibigyan ko ang mga t2 at tita ko...11 s father side!8 nmn s mother side! tig1
milyon! hnd n msm.....tpos tig 2 milyon s dalawa kong kapatid at titig 2 milyon din s 3 kong pamangkin....tpos 10m s simbahan!
sarap!!!
Nia Razane Galeon:
Papatayo ako school para sa mahihirap and papagawa ko ng bahay mga aso ko lol
Snap Mktwinz:
Kapag aco nanalo Donate co sa mga Foundation sa mga Bata , Matanda yan
Albert P. Dela Rosa:
Bibilangin ko ng papiso- piso.
Ian Chris Delos Santos:
Ibibigay ko sa asawa ko para siya na mamroblema kung ano gagawin nya sa pera.
Diego Paquingan:
Kung me ang winer ibabaon ko lahat sa lupa yan ng n uubos n ang pera n yan ugat
ng lahat ng kasamaan!!! Bket noon palitan lang ng kalakal eh ok. Na.db ng n uubos na ang lahat ng sakim sa pera!!!
Justin Morales:
Pang-rent ng PC.
June Adoremos:
Ipapa-raffle ko ulit.
Gabrielle Tak’s:
Ibibili ko ng chabu! Hahaha!
Nerissa Irish Astilla:
Buy ako ng house, car, mag papatayo ng sariling business, share sa siblings ko
relatives and friends magtu-tour then magbibigay ng donation sa Eat Bulaga para sila na lang po ‘yung maging way ko
para mapamahagi ‘yung pwede ko pa pong i-share or itulong sa ibang tao po.
Salamat sa lahat ng nagbibigay ng comment!
Bukas ulit!