Buenas dias amigos!
Ika-5 ng Abril ngayon ng taong 2010.
Abril na pala, parang kailan lang.
Sumakit ang panga ng inyong lingkod at halos mapigtas ang ating mga ugat sa utak dahil sa sobrang halakhak
nang humataw itong kasama nating si Marlou Dahunog nang dumating ang grupo natin sa Nasugbu, Batangas nitong Abril 1, 2010
kaugnay ng outing ng PHLCO/RC.
Bukod sa tawanan, lalong naging makulay ang araw ng ating mga kasama nang matikman ang masarap na luto ni
Ka. Dan Alfred Madriaga. Klap, klap, klap!
Pero bago diyan, nagpapasalamat tayo sa ating magagaling na mga marshalls na sina Ka. Nelson Barnedo at Rico
Rocero at sa ating masipag na rider sweeper na si Ka. Reneto Arpilleda dahil sa maayos na biyahe ng ating grupo patungong
Batangas at pabalik din ng Maynila.
Nagkaroon po ng menor na problema ang ating biyahe dahil tatlo kaming na-flattan sa daan! Ha ha ha! Maraming
salamat kay Ka. Rolly Malupa dahil siya po ang taga-ayos ng gulong ng mga kasama nating na-flattan at isa na ako roon. Sana
‘di ako nagkamali ng pangalan niya.
Papalakpalakan din natin sina Ka. Ronnie Terrado at Karen Rocero dahil sa magagandang kuha nila sa video
camera.
Speaking of video, mapapanood na sa www.even.tripod.com ang outing ng PHLCO/RC sa Nasugbu nitong Abril 1.
Naroon na rin ang lahat ng mga larawan na kuha nina Ka. Dan Alfred at nina Ka. Ronnie at Karen.
Maraming-maraming salamat din sa mga kasama natin na nagdala ng baon, kaya naman ‘di tayo agad nagugutom
nang dumating tayo sa Nasugbu.
Bukod sa masaya, sobrang tipid ang nasabing outing sapagka’t ‘di na yata umabot ng P300 ang naiambag
ng bawat isa para sa pagkain kasama na ang cottage.
Bukas, dudurugtungan natin ito dahil medyo kapos na tayo sa ating espasyo sa araw na ito.
Siya nga pala, sa Mayo 1, tutulak ang ating grupo sa Bataan.
Sa darating na Linggo naman, April 11, ay magkakaroon ng meeting ang PHLC officers and members sa Quezon
City Circle sa oras na alas-3:00 ng hapon.
Mga Sumama
sa Outing
1. Even Demata
2. Floravel Dador
3. Gerry Lanuza
4. Trixie Bellen
5. Ruben Cabrillas Jr.
6. Amy Cabrillas
7. Rolly Malupa
8. Josie Malupa
9. Marlou Dahunog
10. Rico Rocero
11. Monica Rocero
12. Ronnie Terrado
13. Karen Rocero
14. Dhionel Pilan
15. Flor Mamza
16. Discoro Policarpio
17. Reneto Arpilleda
18. Freddie Modesto
19. Melet Modesto
20. Nelson Dumala
21. Rowena Dumala
22. Glenn Villanueva
23. Nelson Barnedo
24. Dan Alfred Madriaga