Ang tamang pagbigkas
ng PHLRC ay PIL-RC na ang ibig sabihin ay Pinoy Hot Line Riders Club.
***
SUMABIT na naman
sa pinakabagong eskandalo si Willie Revillame, host ng Willing-Willie sa TV5 matapos na magharap ng panibagong reklamo ang
ABS-CBN laban sa host bunsod ng umano’y pamemeke ng pirma nito sa mga papeles ng mga kaso.
Sagot naman ni Willie Revillame, “Hindi totoo iyan! Paninira lang iyan!”
Simple lang naman ang tanong natin, kailan pa kaya matututo si Willie?
***
Speaking of Willing-Willie, marami pa rin ang tumataas ang kilay kapag pinapanood si Shalanie na nagho-host.
Bukod umano sa mahinhin ito, wala rin anilang buhay tuwing ito
ay nagho-host.
“One, two, ready go!”
isa rin iyan sa mga salita ni Shalani.
***
Madalas na nating naririnig sa programa ni Willie Revillame kung saan
sinasabi niyang, “Ang programang ito ay para sa bayan!”
Nguni’t sa isang episode na napanood ko sa naturang programa nitong nakalipas na linggo lang, hindi
niya binigyan ng pera ang isang contestant na nagpapahiwatig na nanghihingi ng tulong sa kanya. Kawawa naman.
***
Asahan n’yong lalo pa kayong maaaliw at madadagdagan ang inyong kaalaman sa pagbabasa ng pahayagang TORO.
Magre-reformat po kasi kami sa Enero 2011 kung saan magdadagdag pa kami
ng mga nobela at iba pang mahahalagang impormasyon. Asahan n’yo po iyan.
***
Update
naman tayo sa Leyte Invasion ng PHLRC.
Kahapon
ng ala-1:35 ng madaling araw, nag-take off ang Leyte Team sa Antipolo City, Rizal.
Kahapon ng 4:31 ng hapon, nakarating na sila sa bayan ng Ligao, Camarines Sur (32 kilometro
ang layo mula sa Legaspi City).
Ang
kumpirmadong nakasama sa Leyte Invasion na ito ay ang mga kapatid na Renito Arpilleda, Glen Calalang, Gary Lilio, Jojo Parilla,
Michael Escol, Ranel Faura at Nancy Malindog.
Si
Ka. Ranel ay hindi na tutuloy sa Leyte dahil magpapahinga na ito sa Ligao kung saan ito ang bayan niya.
Ibig sabihin, anim na lang silang magpapatuloy sa bayan ng Sogod, Southern
Leyte.
Alam n’yo bang marami ang umurong
o nagkansela sa biyahe na ito dahil sa sobrang layo?!
Bukas,
ia-update namin sa inyo ang longest trip ito ng PHLRC na may temang “Sugod sa Sogod” kung saan target ng Leyte
Team na marating ang bayan ng Sogod at doon iwagayway ang bandila ng ating samahan. Abangan!
Narito ang iba pang detalye sa Leyte Invasion kahapon.
(Update)
PHLRC LEYTE INVASION
1:35am- Antipolo City, Rizal
2:41am - Alabang, Muntinlupa
City
3:50am- San Pablo City, Laguna (Stop over)
4:20am- Take-off again
5:00am- Tiaong, Quezon
5:51am- Lucena
City, Quezon
6:46am- Quezon Province National Park
7:03am- Atimonan, Quezon
7:25am- Gumaca, Quezon
(Stop over)
8:50am- Outing going from Gumaca
9:06am- Lopez, Quezon
9:28am- Calauag, Quezon
10:00am- Entering
in Albay
1:53pm- Naga City, Camarines Sur
2:30pm- Pili, Camarines Sur
3:11pm- Iriga City, Camarines
Sur
4:31pm- Ranel house in Ligao, Camarines Sur
***
Mayroon tayong natanggap na ekslusibong ulat mula kay Ka. Marvin Fuentes hinggil sa isang naganap na banggaan sa
Congressional Avenue, Quezon City kamakalawa nguni’t bukas na natin ito ilalathala. Nagkaroon po kasi ng problema ang
ating cellphone kahapon. Hu hu hu!
***
Samantala, maligayang Pasko at manibagong Bagong Taon sa lahat ng kapatid
sa PHLRC/CO.
Hangad kong lalo pang lumago ang ating
samahan!
Adios amigos!