Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay Pil-RC.
***
Who: PHLCO
/ PHLRC
What: Monthly meeting
Where: Quezon City Memorial Circle (in Bicycle
Station)
When: May 30 (Sunday), 2010 at 12:00 noon.
***
Buenas
dias, amigos!
Ika-25 ng Mayo ngayon, taon 2010.
Grabeeeeeeeee!
Late na late tayo sa meeting ng mga opisyales ng PHLRC nitong Linggo!
Gaya ng nasabi
ko sa inyo kahapon, first duty po ng inyong lingkod noong Linggo bilang bagong Editor-In-Chief ng inyong pahayagang
TORO. Galing!
Samantala, maraming-maraming salamat sa lahat ng ating mga mababait at masisipag
na opisyales dahil sa presentasyon nila sa ating meeting nitong Linggo lalong-lalo na kay Ka. Rico Rocero at sa kanyang may
bahay na si Ka. Monica dahil sa mainit na pagtanggap nila sa ating grupo sa kanilang tahanan.
Infairness,
ang sarap ng bangus! Ha ha ha!
Sa Mayo 30, marami pa po tayong pag-uusapan.
Pasensya
na po sa inyong lahat dahil busy-bisehan na ang inyong lingkod ngayon, he he he! Gaya ng madalas na sinasabi ko sa inyo, ang
hirap ng kalagayan ng isang artista! Ha ha ha!
I love you, PHLRC!
ANG
SERYE NG RIDING SKILLS GAMIT ANG REAR BRAKE
Siguro, ang kontrol ay madalang na ginagamit sa ilang
motorsiklo. Ang rear brake ay maaaring gamitin sa ilang sitwasyon na mayroong nakaka-sopresang epekto.
Magtanong
sa ilang grupo kung papaano gamitin ang rear binder at magagamit mo na ang buong spectrum ng mga kasagutan. Mula sa old-school
riders o mga datihan na gumagamit ng rear brake. Ang tamang paggamit nito sa pang-araw-araw na pagmamaneho. Ngunit sa isang
kontrol na may maliit na epekto lamang sa aktuwal na pagpipigil (preno) ng motorsiklo. Ang rear brake ay maaaring gamitin
sa malumanay para makuha ang hinahangad na adbantahe sa paggamit nito.
Kapag ikaw ay pumihit ng U-turn,
ang pagpihit ng clutch at manatili ang revs na medyo mataas habang ang iyong motorsiklo na naka-steady. Kontrolin lamang ang
iyong bilis sa pamamagitan ng paggamit ng rear brake sa halip na throttle o clutch. Upang masanay sa ganitong gamit, dapat
na malaman mong mahalaga muna na pamilyar ka sa iyong rear brake at kung gaano ito kalakas o kahina at kung papaano ang power
nito ay nakakapekto ng weight transfer.
Una, siguraduhing na ang lahat ay gumagana ng maayos at
tama ang pagkakakamada nito. Ang brake pedal ay dapat may ilang millimeters clear sa iyong paanan kapag ikaw ay nakaupo sa
isang komportableng posisyon sa motorsiklo.