PANAWAGAN
Sa lahat ng opisyales at miyembro ng Pinoy Hot Line Media and Civic Organization at Pinoy Hot Line
Riders Club, tayo ay magkakaroon ng buwanang pagpupulong sa Marso 28 (Linggo), 2010 sa oras na alas-3:00 ng hapon. Pinal
na tatalakayin ang ating outing sa Nasugbu, Batangas sa darating na Abril 1, 2010. Marami pang mahahalagang paksa ang tatalakayin.
Attendance is a must!
***
Buenas dias amigos!
Tuluyan nang nakapasok sa area of responsibility ang pinakaunang bagyo sa Pilipinas para sa taong 2010, ang
Agaton.
May dala-dalang pamaypay si Agaton dahil alam niyang may El Niño sa Pilipinas, he he he!
Target ng BIR ang mga ahensiya ng gobyerno at mga local government units na may malaking utang sa buwis.
Kabilang dito ang BSP, Makati City, at MMDA.
Si Binay ay naging Mayor ng Makati City, habang si Bayani Fernando naman ay naging chairman ng MMDA. ‘Di
naman halatang sinisiraan sila ng gobyerno.
Humagulhol ng iyak ang aktres na si Anne Curtis matapos lumuwa ang kanyang boobs sa ASAP ng ABS-CBN. Pakiusap
ng dalaga, sana ‘wag ikalat ang kanyang breast exposure.
Kahit anong pakiusap ni Anne Curtis, hindi siya papansinin dahil iyan ang paborito ng mga barakong Pinoy!
Ha ha ha! May reaksyon kaya ang MTRCB dito?
May mahalaga tayong topic sa araw na ito, pero bago diyan, binabati natin ng magandang araw ang misis ni
Ka. Ernie Padigdig na si Mrs. Maricel Padigdig. Happy reading po, Mrs. Maricel. Kita-kits po sa Abril 1. Payagan n’yo
na po si Ka. Ernie na makasama sa Nasugbu. Sige na po... please.
Samantala, nag-text sa atin kahapon ang vice president ng PHLRC na si Ka. Gerry Lanuza kung saan ipinagbigay
alam niya sa atin na mayroon na raw uniporme ang aming bagong samahan. Dadalhin niya raw ito sa Linggo. Kita-kits po!
MGA DAPAT
UGALIIN NG ISANG MOTORCYCLE RIDER
Bilang isang motorista, tayo ay bumili ng naturang behikulo para makatulong sa ating komportable at madaling
transportasyon.
Hindi para pumorama sa lansangan. Dapat tandaan ng isang rider na kapag nakasalang na sa kalsada ay dapat
magtaglay ng mga kaugalian o attitude na kapaki-pakinabang.
Be careful and cool - Maging maingat lagi sa bawat sandali ng pagmamaneho. Huwag maging balahura at kaskasero.
Huwag ding maging mainitin ang ulo. Ang pagiging hot tempered ay pagmumulan lamang ng away sa ibang motorista.
Be generous and polite - Maging mapagbigay sa daraanan kapag alam mong hindi ka naman pupuwedeng pumasok
sa isang way. Huwag isiksik ang sarili sa makipot na daraanan. Pagmumulan lamang ito ng aksidente. Maging masunurin sa batas
trapiko. Halimbawang nagkaroon ng aberya o problema sa kapwa motorista sa gitgitan sa trapiko, kahit hindi ikaw ang may kasalanan,
ikaw na ang humingi ng paumanhin. Walang masama sa pagpapakumbaba.
Be assertive and responsible- Kahit na maluwag ang daloy ng trapiko, huwag kang magpapatakbo ng mabilis.
Kailangang tama lang ang takbo mo. Tandaan, ang aksidente ay dumadating ng hindi inaasahan. kahit ‘di natin gusto, minamalas
minsan ang isang motorista. Maging responsableng motorista.
Shut your mouth- Kapag may problema sa ibang motorista o pagtatalo, matutong magsalita ng malumanay.
Huwag padadala sa init ng ulo. Walang magagawang maganda kapag nakipagsabayan sa bungangaan. Kapag nagmamadali naman at hindi
maabala, sumenyas na naka-sign ang palad sa motoristang nakagitgitan. Indikasyon ito na humihingi ka ng paumanhin at tanda
ng pagpapakumbaba. Sa ganito, kakalma ang kalooban ng bawat motorista.
Don’t put that freak things - Sa bawat pagmamaneho, dalhin ang dapat dalhin. Lisensiya, gamit,
at rehistro ng sasakyan. Huwag magdadala ng kalokohan o lagyan ng kung anu-anong bagay ang motorsiklo kung hindi kailangan.
Huwag magdadala ng illegal na bagay na ikapapahamak mo kapag nagkaroon ng problema.
Ang Pinoy Hot Line column ay mababasa na araw-araw sa www.even.tripod.com