Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC.
***
BUENAS dias, amigos!
Ika-28 ng Hunyo ngayon, taon 2010.
Bukas dedbol na ang kuryente ko sa bahay!
Ha ha ha ha! Joke lang.
Kahapon, isinusulat natin ang kolum na ito, isasagawa pa lang ang monthly meeting ng PHLCO/RC.
Ibabalita na lang inyong
lingkod bukas kung anuman ang magiging kaganapan.
Pero sa pagkakaalam ko, kabilang ako sa mga magtataas ng kamay kaugnay ng oath taking ng mga opisyales
ng PHLRC. God bless!
Nag-text sa atin kamakalawa ng hapon ang isa sa mga board of trustee ng Pinoy Hot Line Civic Organization na si Ka.
Rey Guinto, na isa ring reporter ng pahayagang ito, kung saan inireport niya sa atin ang diumano’y panunutok ng baril
sa kanya ng tarantadong sekyu ng Cebuana Lhuieller diyan sa Ibayo, Marilao Branch (harap mismo ng SM Marilao), na nakilalang
si Germohenes J.B.
Abangan bukas ang banat natin sa inutil na sekyu na ito!
Samantala, marami tayong texter sa araw na ito. Bibigyan daan muna natin
ang kanilang mensahe.
“Matagal
na po akong walang work. Gusto ko po sanang mag-apply sa janitorial, kaso ‘di ko alam ang address ng agency na gusto
kong aplayan. Sana kung may PLDT directory kayo o sa internet magpapatulong po sana akong ipahanap ang address ng janitorial
agency ng City Service, Equitable at Clean City. Marami pong salamat. Marami na po akong naka-textmate na pinasuyuan ko binaliwala
lang ako. Sana po ‘wag n’yo akong baliwalain. Gusto ko na pong magtrabaho. Tulong n’yo na lang po sa akin.”
–Ronald ng Marikina
City 09182335538
SAGOT:
Hinahanap ko na sa internet ‘yung mga binanggit mo janitorial agency pero wala akong makita. Pasensya na. Pero napuna
ko lang, tamad ka! Mahilig kang umasa sa ibang tao.
“Good am, Sir Even Demata. Meron po akong gustong ireport sa inyo na ginagawang building apartment sa Nicolas
Zamora (formerly Sande Street) St., Tondo, Manila, near corner Moriones St., pero wala pong building permit ang ginagawang
building apartment.”
–cp# withheld
SAGOT: Atensyon po kay Manila Mayor Lim, pakiasyonan ang sumbong na ito!
“Sir Even, good day! Request ko lang na sana ay i-double check n’yo
ang mga sumasapi sa inyong organisasyon ang motorsiklo na gamit nila kung talaga bang sa kanila ‘yung motorsiklo at
saan nila binili at kailan. At hindi galing sa masasamang tao at ang may motor ay good citizen o may mabuting rekord. Hindi
mayabang, kaskasero magmaneho o maingay mag-motor o magrebolusyon at hindirin kasapi ng anumang masasamang elemento. Salamat
po sa iyo. Avid reader po ninyo ako especially Sexy Candy.”
–09994641691
SAGOT: Bago ko po binuo ang grupong ito, ‘yan na ang
pinakauna o mahigpit kong binabantayan sa mga aplikante ng PHLRC. Pakibasa po ‘yung box sa may bandang kanan. Isa sa
mga nire-require namin ay ang rehistro ng motorsiklo at driver’s license para matsek naming mabuti kung hindi ba galing
sa nakaw ang motorsiklo. Gayunman, hindi pa naman namin ito na-encounter. Anyway, maraming salamat po sa pagiging concern
sa aming samahan. Kelan tayo tagay? Ngeek! Samantala, may reklamo pa tayong natanggap laban sa mga kotongerong traffic enforners.
Abangan!