Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC.
***
Buenas dias, amigos!
Ika-2 ng Agosto ngayon, taong 2010.
***
Sa darating na Montly Meeting, paplantsahin na ang mga SSS ng ating
mga kasama sa Pinoy Hot Line Civic Organization (PHLCO) at Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC). Batid namin na ‘yung
iba nating kasama sa samahan ay walang SSS kahit mayroon silang trabaho. At dahil sa sobrang busy sa trabaho, wala nang oras
para magtungo ang ating mga kasama para mahulugan ang kanilang SSS. Ito ngayon ang tatrabahuin ng samahan. Ang perang ipanghulog,
siyempre, hindi galing sa pondo ng ng grupo, kundi sa mga miyembro pa rin. Ang tulong lang ng samahan sa mga miyembro ay ang
pag-aasikaso sa kanilang benepisyo.
Nitong nakalipas na Linggo, medyo
nagkaroon ng bahagyang kalituhan ang PHLRC dahil lamang sa sumbrero. Ang lupit ng kamandag ng sumbrero na ito sa ating mga
kasama sa PHLRC. Medyo sumakit ang ulo ng inyong lingkod pati na rin sa ilang opisyales hanggang sa mga miyembro ng samahan,
nguni’t sa awa ng Diyos, nareresolba na ito sa kasalukuyan.
Medyo
nagkaroon lang ng kaunting miscommunication. Ang tanging pakiusap na lamang ng inyong lingkod sa ilang kasama natin sa PHLRC,
umattend kayo sa monthly meeting lalo na kung may tanong, komento at suhestiyon para lahat ng mapag-usapan ay maplantsa kaagad.
Susi rin ito para masungkit natin ang mga mithiin ng ating grupo.
***
Masaya at tagumpay ulit ang ika-3 Linggo ng “Takbo PHLRC”,
isang aktibidad ng samahan na ginaganap tuwing Linggo ng umaga sa Quezon City Memorial Circle. Layon nito ay para mapanatiling
masigla at maganda ang kalusugan ng bawat kasapi sa PHLCO at PHLRC.
Bagama’t
late nang dumating ang inyong lingkod kahapon sa QCMC dahil sa magdamag na trinabaho ang isang proyekto sa San Pedro, Laguna,
kahit kulang man sa tulong, nawala na rin ang aking antok nang makitang masayang magkasama ang ating mga kasama.
***
Kasabay ng aktibidad
ng samahan kahapon, nadatnan din ng inyong lingkod ang bagong miyembro ng PHLRC. Ayon kay Ka. Nanz, nag-aalangan daw sumali
ang bago nating kasama, nguni’t nang personal natin siyang nakausap at ipinaliwanag ang tunay na mga layunin, adhikain
at mithiin ng samahan, nag-fill-up agad siya sa registration form ng PHLRC. Many thanks po. Welcome po sa PHLRC!
Sad to say, nakalimutan ko ang kanyang pangalan. Ha ha ha!
***
Pagkatapos ng “TAKBO PHLRC”, tumulak
agad ang grupo sa bahay ni PHLRC Vice President Gerry Lanuza sa Baseco, Tondo, Manila kaugnay ng pag-celebrate ng kanyang
kaarawan nitong Sabado.
Busog ako sa inihaw na isda! Ha ha ha! Sarap
nu’n!
***
Habang
bumibiyahe nga pala ang PHLRC kahapon, nagkaroon ng checkpoint ang mga pulis sa Maynila.
Hindi naman nagkaroon ng aberya nang makita ng mga pulis ang PHLRC stickers na nakakabit sa bawat
motorsiklo ng mga kasapi sa PHLRC. Iyon pala ang hinahanap nila para malaman kung may humalo sa grupo gaya ng mga holdaper
at iba pa. Sa biyahe natin sa Montalban sa Linggo, isuot ang uniporme ng PHLRC para kaagad tayong makilala.
***
Happy Pinoy Hot Line reading nga pala
kay Miss Kristelle Del Rosario, Totoy, Bugtoy, Opaw, at Totskie diyan sa JER Audio Video Center sa Rizal Avenue, Avenida,
Manila.
God bless po sa inyo!