Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC.
***
Good day, Philippines!
Mabuhay ang mga motorcycle riders sa bansa!
Ika-14 ng Hulyo ngayon, taong 2010.
Unang-una, maraming salamat
sa ating adviser na si Ka. Louie Salva dahil sa pagdalo niya kahapon sa inyong lingkod dito sa tanggapan ng TORO.
Naikuwento natin sa kanya ang masayang 4th Outing ng PHLRC nitong Linggo. Nanghihinayang
si Ka. Louie. Mas masarap pa aniya sumama sa PHLRC dahil kilala na niya ang lahat ng mga kasapi ng ating samahan.
Welcome nga pala sa bago nating miyembro na si Ka. Rizalino M. Dela Cruz ng Brgy.
Culiat, Quezon City.
Gaya ng iba nating kasama, isa rin po siyang kasapi
sa Iglesia Ni Cristo.
Samantala, ngayon pa lang, bago ko makakalimutan,
advance happy 14th Anniversary po kina Ka. Ronald at Rowena Mendez sa darating na Hulyo 16. Sana lalo pang tumatagal at magtatagal
ang inyong pagsasama.
Speaking of Ronald & Rowena Mendez, sa darating
na Agosto 8 ay birthday po ng anak nila.
Imbitado po ang lahat ng PHLRC.
Galing!
Sa ibang dako, marami na tayong naging kaibigan sa Facebook
na kahalintulad ng PHLRC na mga kapwa rin naming motorcycle riders.
Sa
tingin namin, ito na ang tamang panahon para magkaisa ang lahat ng samahan o riders club sa bansa. Pare-pareho ang tema at
pare-pareho ang pananaw sa bawat samahan.
Kumusta ang malalapit na kaibigan
nating Marilao Riders Club o MRC? Siguro, mga guwapo pa rin... tulad namin! Ha ha ha!
Sa ibang dako, mapapanood na sa Youtube ang video na kuha mula sa 4th Outing ng PHLRC.
Para madali n’yong mapanood, mag-sign in lang kayo sa Facebook at i-add ang email address
ng PHLRC na phlco@yahoo.com.
Dumadami na ang kaibigan natin diyan.
Tungkol sa ating website, medyo nagkaroon pa ng problema kung kaya’t ‘di
pa natin ito naa-update. Gayunman, ginagawa na natin ito ng paraan.
Samantala,
sa dalawang larawan sa ibaba ng ating kolum, sa kaliwa, sila ang mga opisyales ng Pinoy Hot Line Civic Organization o PHLCO.
Trip lang nilang ipakita sa kamera ang kanilang kaseksihan, he he he!
Sa
bandang kanan naman, makikita sa bandang unahan si Ka. Rico Rocero, na siyang tumatayong marshall sa lahat ng lakad ng PHLRC.
Si Ka. Rico ay pangalawa, mula sa akin, sa mga board of trustee ng PHLRC.
Sa naturang larawan, naghahanda na ang grupo para sa biyahe patungong Sta. Maria,
Bulacan.
Kuha iyan sa Quezon City Circle.
Kuwentuhan ulit tayo bukas.