BUENAS dias amigos!
Ika-15 ng Abril ngayon taon 2010.
Pinutakti tayo ng text messages kahapon!
Ang daming gustong sumali sa PHLRC!
Good day sa inyo, Zhedric Rento ng Marikina City; Allan ng E. Rodriguez, Quezon City; Charles ng Las Piñas
City, at ‘yung taga-Baras, Rizal na nakausap natin kahapon sa phone at taga-Batangas lalo na ‘yung taga-Star Toll
Way sa Pampanga lalong-lalo na’yung sarhento na taga-Maynila. Good day po sa inyo! Pasensya na kung ‘di ko nakuha
ang mga magulang ninyo.
Naka-text din natin kahapon si Ka. Ernie Padigdig at si Ka. Marlou Dahunog.
Sabi ni Ka. Marlou, ‘di raw siya nakasama sa attendance list natin kamakalawa kaugnay ng meeting ng
PHLRC nitong Linggo ng hapon.
Balik tayo sa mga gustong sumali.
Gaya ng nabanggit ko kahapon, ‘wag po kayong mahiya sa amin. Mga dukha din kami tulad n’yo, he
he he! Joke lang po.
Kung oras kayo, punta na lang po kayo sa Quezon City Circle (sa may Bicycle Station) sa oras na alas-3:00
ng hapon sa darating na Linggo (Abril 18). Pakidala na lang po ng xerox copy ng inyong driver’s license at rehistro
ng motor ninyo.
Uulitin ko, asahan n’yo ang mainit naming pagtanggap namin sa inyo sa Linggo.
Makikilala n’yo kami bilang mga bago n’yong kaibigan na mula sa iba’t ibang panig ng Metro
Manila at karatig na mga lalawigan. Kayo na lang ang bahalang maghusga kung sino ang mas guwapo sa aming lahat! Ha ha ha!
Pagkatapos ng meeting, magtutungo tayo sa bahay ng PHLRC President Freddie Modesto sa Fairview, Quezon City.
Hindi tayo magugutom du’n dahil may nakahanda nang kilawin. Tulo ang laway ko ah! Ha ha ha!
Kumusta na nga pala ang ating kasamang si Ka. Rico Rocero?
Nakausap natin siya nitong Linggo.
Nagkasakit pala siya 1 day after ng outing natin sa Nasugbu, Batangas nitong Abril 1.
Napapansin nga natin na medyo matamlay si Ka. Rico kaya’t bilib na bilib po tayo sa kanya dahil nagpunta
pa rin siya sa meeting natin nitong Linggo kasama ang kanyang maybahay at anak na dalaga. Magpagaling po kayo, Ka. Rico. Kita-kits
ulit tayo sa Linggo.
Sa mga hindi pa nakakaalam, ang PHLRC ay magkakaroon ng 2nd outing sa darating na Mayo 2 (Linggo) sa Pagsanjan
Falls sa Laguna.
‘Yung mga readers ng TORO na may sariling motorsiklo na gustong sumamasa sa event naming ito, sali
na po kayo sa PHLRC! ‘Wag n’yong hinataying kalawangin ‘yang motor ninyo! Ha ha ha!
No more space na tayo, see you all again tomorrow!
Adios, amigos!