Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC habang sa PHLCO
naman ay PIL-CO.
***
PALAKAS
nang palakas ang Bagyong Juan habang ito ay papalapit sa Pilipinas.
Ayon
sa PAGASA, ang lakas ng bagyo ay pumalo na sa 150 kilometro kada oras na may pagbugso na 135 kada oras.
Kung hindi magbabago ang direksyon ni Juan, posibleng tatama ito sa Cagayan at Isabela.
Magla-landfull ang bagyo sa Lunes.
Nguni’t
sa ulat naman ng iba pang international weather agencies, posibleng mapaaga ang pagtama nito sa kalupaan dahil lalo pang bumilis
si Juan pagkalipas pa ng ilang oras.
Sa ulat naman ng Japan Meteorogical
Agency (JMA) at US Naval forecasting center, may mga posibilidad umano silang nakikita na magbabago pa ang direksyon ni Juan.
Maaaring tumama ito sa Metro Manila, Central Luzon region at Kabikulan.
Idinagdag din ng ilan pang international weather agencies na posibleng mas masahol pa ang lakas
ni Juan kaysa kay Ondoy dahil maaari umanong pumalo pa sa 200 kph ang bilis ng nasabing bagyo.
Ang ipaalala na lang natin sa ating mga kababayan, dobleng pag-iingat ang kailangan sa bagyo na ito.
Samantala, tuloy ang biyahe ng PHLRC riders bukas sa Real, Quezon Province.
Kung sakali ngang lumakas ang ulan, mayroon na tayong Plan B, at ito ay Go Back Home! Ha ha ha!
Makipag-ugnayan langpo kay Ka. Nancy Malindog para sa latest updates.
Hanggang sa Lunes.