Buenas dias amigos!
Super init kahapon!
Pakiramdam natin, parang iminudmod sa nagbabagang kalan de uling ang mukha natin, he he he! Sira ang beauty
ni Even! Ha ha ha!
Balitang-balita ngayon na tuluyan nang ikinulong si Jason Ivler sa Quezon City Jail.
Dahil dito, tuloy na tuloy na ang paglilitis ng batas sa kaso ng dating aktor ng isang TV show.
Pinaninindigan ng pulisya na hindi nila bibigyan ng special treatment si Ivler habang ito ay nakapiit.
Pero teka, bakit nakakulong sa airconditioned jail ang mga Ampatuan gayung mahigit sa 50 katao ang walang
awa nilang pinagpapatay?
Samantala, mukhang gigil na gigil ang mga kababayan nating Pinoy na mapanood si Floyd Mayweather Jr. habang
binubugbog ni Shane Mosley sa bakbakan nila sa darating na Mayo 2.
Hula ng grupo ni Mosley, hanggang 5 rounds lang si Mayweather, Jr!
Pero alam n’yo ba, minsan lang nagkatotoo ang hula! Ha ha ha!
Ang tanong pa natin, manonood kaya si Pambasang Kamao Manny Pacquiao sa labang ito nila ni Floyd Jr.at Mosley?
He he he!
By the way, happy Pinoy Hot Line reading pala kina Jerick Casiano at Jay Casiano. Sila po ay magpapa-member
sa PHLRC sa Linggo kasabay ng ating meeting.
Oo nga pala, magkapatid ba kayo, mga pare ko? Sila po ay taga-Antipolo City.
Binabati rin natin si Alfie ng Sampaloc, Maynila. Isa rin po siya sa mga inasahan nating makatungo sa meeting
natin sa Linggo para magpamiyembro sa PHLRC.
Nag-text nga pala sa atin kahapon ang kasama natin sa PHLCO na si Ka. Mhae Paycana.
Tanong niya sa atin, puwede raw ba siyang pumunta sa meeting ng PHLRC sa Linggo (April 11) sa Quezon City
Circle sa oras na alas-3:00 ng hapon. Aba, siyempre naman! Walang maglilista sa attendance! Ha ha ha!
Kamakalawa ng gabi, dumaan tayo sa tahanan ni Ka. Nancy Malindog sa Brgy. South Triangle, Quezon City.
Magagamit na natin ang libro para sa Security and Exchange Commission.
Bukas ulit, mga kasama!