Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay Pil-RC.
***
PAALALA: Sa lahat ng PHLRC riders. Tayo ay
magkakaroon ng survey sa mga resort sa Antipolo City sa Linggo, Dec. 5, pagkatapos ng ating aktibidad na TAKBO PHLRC. Ito
ay bilang paghahanda para sa ating Christmas Party sa darating na Disyembre 19. Ang survey na ito ay pangungunahan ni Ka.
Renito Arpilleda. Kita-kits!
***
First, updated na ang website ng Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC). Naroon
na o nai-post na natin ang mga rules and regulations ng ating samahan, gayundin ang mga pangalan at control numbers ng mga
bago nating members kasama na ang kani-kanilang birthday.
Speaking of birthday, belated happy birthday nga pala sa ating mga kapatid sa PHLRC na sina Ka. Reynaldo Dispo (Nov.
24), Ka. Rex Alejo Nañoz (Nov. 27), Michael Aghon (Dec. 1). Hindi sila nagparamdam! Ha ha ha!
Maliban sa mga nabanggit, nai-post na rin natin sa website ang kasaysayan ng ating samahan.
Sa Home Page ng ating website, makikita n’yo roon ang isang link
na may nakasulat na “Click me now to get latest updates of PHLRC!” na kapag na-click n’yo ito, magbubukas
ang isang page at mababasa n’yo roon kung ano ang pinakahuling kaganapan o latest updates ng ating samahan. Ibig sabihin,
kahit ‘di kayo makakabili ng diaryong TORO, puwede n’yo nang malaman sa ating website kung ano na ang huling kaganapan
sa ating samahan.
Sa mga kapatid natin sa PHLRC na madalas
na tumatambay sa Facebook, check n’yo rin minsan ang ating website sapagka’t doon na natin nilalagay ang iba pang
detalye sa ating samahan.
Sa ibang dako, na-upload na rin natin
ang video na kuha mula sa Real Quezon Trip ng PHLRC.
Para
mapanood, hanapin n’yo sa Youtube: PHLRC - Real Quezon Trip. Hinati po natin sa tatlong bahagi ang video na ito sapagka’t
nahirapan tayong mag-upload nito sa Youtube. Ibig sabihin, may makikita kayong PART 1, 2, at 3 sa nasabing video! Na-link
na natin sa ating website at Facebook ang naturang video. Enjoy!
Many thanks nga pala kay Ka. Nancy M. dahil sa mabilis niyang pagtugon sa text natin kahapon nang hilingin natin sa
kanya ang mga pangalan ng bagong miyembro, control numbers at birthdays ng ating mga kapatid sa PHLRC. Ina-update natin ang
ating website nang i-text natin siya.
Bukas ulit!