Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC na ang ibig sabihin ay Pinoy Hot Line Riders Club.
***
KUNG sakaling mayroon nang sariling motorsiklo
ang Reserved Driver at Assistant Treasurer ng PHLRC na si Ka. Eustaquio Tabag Jr., ang papalit sa kanyang tungkulin bilang
Reserved Driver ay si Ka. Mark Joseph Gomez, isa sa mga kasapi ng Pinoy Hot Line Civic Organization (PHLCO), na posibleng
mapadpad na rin sa PHLRC.
Hindi ko rin matiyak kung si Ka. Rey Guinto
ay marunong ding magmamaneho ng motorsiklo, pero sa palagay ko ay posible sapagka’t nagmamaneho siya ng pampasaherong
dyipni.
***
Nag-text
sa atin kahapon si Ka. Nancy Malindog, Internal Secretary ng PHLRC, kung saan sinabi niyang siya na ang magpo-provide ng mga
prizes para sa games sa Christmas Party ng PHLCO/RC sa Linggo, Disyembre 19. Galing!
Sa Linggo, ang grupo ay magkikita-kita muna sa Quezon City Circle alas-5:00 ng madaling araw bago sabay-sabay na magtungo
sa lugar na pagdadausan ng X’mas Party. For more info, mag-text lang kay Ka. Nancy M.
***
Kinontra ni Ka. Mike Cristobal ang lyrics
sa kantang “Kanto” ng bandang Siakol kung saan may nakasaad dito na “Kung wala kang pera, Wala ka ring kaibigan.”
Aniya, sa PHLRC, hindi-hinding totoo iyan, bagay na marami nang napapatunayan sa samahan.
***
Speaking of Ka. Mike, kahapon na ng umaga siya nakauwi matapos
makatulog dahil sa maraming natomang alak. Hek!
Napailing na lang siya
at natawa matapos ikinuwento ni Kumander sa kanya ang nangyayari sa kanya nu’ng senglot na senglot siya. Wala na kasi
siyang maalala.
Bagama’t pasaway at makulit, nagpapasalamat naman si
Ka. Mike kay Ka. Renito Arpilleda, na siyang nagpursige para ‘di siya payagang magmaneho ng motor.
***
Samantala, mag-e-escort bukas, Miyerkules,
ang PHLRC sa paghahatid sa huling hantungan ng mga labi ni Sir Arnold Pajaron.
Ang mga nagkumpirmang sasama sa pag-e-escort ay ang ating mga kapatid sa samahan na sina Michael Escol, Freddie Modesto,
Jesus “Jun Del Agua, Mike Cristobal, Alejando “Jojo” Parilla, Gary Lilio, Eustaquio “Jun” Tabag,
Henry Sombrio at ang inyong lingkod.
Tinatawagan ko ng pansin ang mga
kapatid sa PHLRC na makiisa rito bilang pakikiramay sa mga naulila ni Sir Arnold.
Magkikita-kita ang grupo bukas sa trabaho ni Ka. Freddie Bonto sa Brookside, Cainta, Rizal sa oras na alas-10:30 ng
umaga.
No more space na tayo, kuwentuhan uli tayo bukas.
Adios amigos!