Ang tamang pagbigkas ng PHLRC
ay PIL-RC.
***
BUENAS dias, amigos!
Ika-17 ng
Hunyo ngayon, taon 2010.
Nag-text po sa atin si Marvin Aguilar noong Linggo ng umaga.
Ayon sa kanyang text, siya ang tumulong kay Ka. Louie Salva nang maaksidente ito habang pauwi na ang grupo
galing Llanera, Nueva Ecija kung saan ginanap ang 3rd Outing ng samahan.
Walang nakakapuna sa
aksidenteng iyon sa pag-akalang si Ka. Louie Salva ay nasa unahan kung saan nakapila ang mga motorsiklo na sabay-sabay bumibiyahe
nang araw na iyon.
Nasa Shell Gasoline Station ang grupo nang magtimbre sa amin ang isang lalaking
nagmamaneho rin ng motorsiklo na aniya’y may kasamahan daw kaming naaksidente sa may tulay malapit sa Marilao, Bulacan.
Mabilis naming pinaandar ang aming motor at mabilis na pinaharurot patungo sa sinabi ng rider na nagtimbre
sa amin.
Ang mga kasamahan namin sa PHLRC na noon ay naka-stop naman sa bandang unahan di kalayuan
sa aming kinaroroonan ay karakang pinuntahan ang lugar kung saan naaksidente si Ka. Louie Salva.
‘Di
pa kalayuan ay nakasalubong namin si Ka. Louie.
Nakangiti lang ito at okey na okey naman siya
base sa hitsura niya nang mga oras na iyon.
Kaagad kong nilapitan si Ka. Louie at tinanong kung
may galos, pilay, at sugat ba sa kanyang katawan.
“Wala naman, okey lang ako,” nakangiting
tugon niya sa akin.
Tinanong din natin siya kung paanong nangyari iyon at bakit siya nahiwalay
siya sa grupo.
“May malaki kasing sasakyan sa unahan ko. Noong umovertake na sana ako may
nakasalubong din ako kaya medyo alanganin ako. Tumabi ako at doon ay na-out balance ako,” paliwanag pa ni Ka. Louie.
Nagpapasalamat kami na walang masamang nangyari sa kanya.
Sa pag-uwi namin, bagsak
na bagsak ang inyong lingkod dahil sa pagod sa biyaheng iyon.
Malapit lang naman sana ang Llanera,
pero bakit parang napagod ‘ata kami lahat.
Mas malayo pa ‘ata ang Lian, Batangas kung
saan idinaos namin doon ang 2nd Outing.
May nabasa akong text nang buksan ko ang aking cellphone.
Siya ay nagpakilalang si Marvin Aguilar.
Siya raw ang tumulong kay Ka. Louie Salva
nang madaganan ito ng kanyang motorsiklo.
Idinagdag pa niya sa kanyang text na galing siya ng Bataan
nang araw na iyon nang madaanan niya si Ka. Louie.
Sa Dasmariñas, Cavite pa raw siya kasi papasok.
Sinabi pa ni Marvin na noon pa man ay gusto na niyang sumali sa PHLRC, at dahil gahol siya sa oras, hindi
siya makakadalo sa meeting ng samahan.
Dati raw ay sa Laguna siya nagtatrabaho.
Sa
pinakahuling text ko sa kanya, nagpapasalamat ang inyong lingkod kay Ka. Marvin Aguilar sa pagtulong niya kay Ka. Louie. Hinihikayat
din natin siya na sumali na sa PHLRC.
Para sa iyo, Marvin Aguilar, isa kang bayani!
Samantala, maraming natutunan ang PHLRC officers at members sa 3rd Outing namin.
Nawa’y
hindi na mauulit kung ano man ang nangyari sa outing na iyon.
Sa kabubuuan, bibigyan ko ng 98%
ang 3rd Outing ng PHLRC.
Samantala, dahil sa matagumpay na 3rd Outing ng PHLRC sa Nueva Ecija,
napagkasunduan na ng grupo na magkakaroon muna ng proyekto sa darating na Hulyo.
Mahirap po kasing
bumiyahe kapag tag-ulan.
Ang proyektong ilulunsad ng PHLRC ay isang community service.
Sa darating na Hunyo 27, 2010 kasabay ng monthly meeting ng Pinoy Hot Line Civic Organization (PHLCO) at Pinoy
Hot Line Riders Club (PHLRC) ay manunumpa na ang mga opisyales ng PHLRC sa pangunguna ng masipag at mabait na barangay captain
na si Elenita De Jesus ng Brgy. A. Samson, Quezon City.
Pagkatapos manumpa ang mga opisyales,
dito na paplantasahin ang mga sticker, plaka, ID, mga rules and regulation ng Pinoy Hot Line Riders Club!
I
love you, PHLRC! Hangad namin ang iyong patuloy na paglago!
Adios amigos!