Buenas dias amigos!
Ika-31 ng Marso ngayon at bukas ay Abril 1 na!
Lilipad na ang Pinoy Hot Line Civic Organization & Riders Club sa Nasugbu, Batangas! Broooooooommmmm!
Paalala sa lahat ng ating kasama na sasama sa outing, pakidala po ng inyong mga kumpletong papeles gaya ng
rehistro ng inyong motorsiklo at driver’s lisensya nang sa ganu’n ay hindi maabala ang ating biyahe. Haist!
Gaya ng napag-usapan natin nitong Linggo, kailangang eksakto alas-5:00 ng umaga ay magkita-kita tayo sa Baywalk
(dulo ng Pedro Gil Avenue) sa Maynila. Sa madaling sabi, alas-4:00 pa lang ng madaling araw, kailangan nakaalis na kayo sa
inyong bahay, pero bago kayo umalis, uminom muna kayo ng kape para iwas kabag na rin! Baka kasi mapuno ng hangin ang inyong
tiyan pagdating natin sa Tagaytay, he he he!
Ang stop over natin ay sa may Shell Gasoline Station sa Tagaytay City. Kung galing tayo ng Maynila, makikita
ang Shell sa may bandang kaliwa.
Gaya pa rin ng napagkasunduan, si Ka. Nelson Barnedo ang ating marshall. Siya ang magsilbing guide natin
habang tinatahak ang national hi-way mula Manila hanggang Nasugbu. Kung ibangga ni Ka. Nelson ang kanyang motor, nasa inyo
na kung susunod kayo sa kanya! Ha ha ha!
Si Ka. Renito Arpilleda naman ang ating ride sweeper. Ang trabaho niya ay tagasita kung mayroon mang pasaway
na kasama habang bumibiyahe.
Ka. Renito, ‘antayin mo kami sa harap ng kapilya ng Iglesia Ni Cristo riyan sa De Castro, Pasig.
Hangga’t kung maari ay magpahinga ng maaga ngayong gabi para magising ng maaga at kundisyon ang ating
katawan.
‘Wag n’yo ring kalimutang dalhin ang inyong mga tools para may magamit sa oras na magkaroon man
ng aberya sa daan.
May isa pa tayong marshall na si Ka. Rico Rocero. Siya ang magmo-monitor sa huli, para walang maiwan... kung
mayroon man, si Ka. Rico pa rin! He he he!
Take note, alas-5:00 ng umaga kailangan nandu’n na sa area. Magkakaroon tayo ng konting briefing bago
tayo bumiyahe.
Samantala, lahat ng PHLRC members na ‘di nakadalo sa ating meeting nitong Linggo, mag-text lang po
kayo sa akin sa 09199813390. ‘Wag muna kayong mag-text sa Globe at Sun numbers ko. At paki-full charge na rin ng baterya
ng cellphone n’yo para iwas abala. At kung maaari, gabi pa lang, kailangan may load na ang cellphone ninyo para baka
sakaling magkaroon man ng problema sa daan gaya ng maligaw kayo, madali tayong magkakontakan. Got it?
Ang tagal maubos ng espasyo ko, naubusan na ako ng kuwento! Ha ha ha!
Basta... sa lahat ng sasasama sa outing, para sa iba pang katanungan, mag-text lang kayo sa 09199813390 para
sa latest update.
I-set n’yo na sa alas 4:00 ng madaling ang alarm clock ninyo para ‘di kayo magising sa tanghali.
He he he!
Nag-text pala si Ka. Rico kahapon. Pinakokorek n’ya ang apelyido niya na na-publish kahapon. Rocero
po ang tama at hindi Rocuro.
Adios amigos!
MGA SASAMA SA OUTING SA BATANGAS
1. Gerry Lanuza (may angkas)
2. Dioscorro Policarpio (may angkas)
3. Renito Arpilleda (ride sweeper)
4. Dhionel Pilan (may angkas)
5. Dan Alfred Madrigal
6. Nelson Barnedo (marshall)
7. Marlou Dahunog (may angkas)
8. Even Demata (may angkas)
9. Rico Rocero (marshall)
10. Ronie Terrado (cameraman)
11. Bong Tumala (may angkas)
12. Glen Villanueva (may angkas)
13. Rolly Malupa (may angkas)
14. Ruben Cabillar (may angkas)
15. Alberto Pasilan (may angkas)
16. Jaime Andrade (may angkas)
Marami pa ang gustong sumama na nagkumpirma. At sa mga gustong sumama, mag-text lang sa 09199813390.