Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC.
***
BUENAS
dias, amigos!
Ika-10 ng Hunyo ngayon, taon 2010. 3 days before 3rd outing ng PHLCO/RC! Yepeeeey!
Marami tayong kababayan kahapon na nag-text sa atin para mag-inquire kung paano sumali sa Pinoy Hot Line Riders
Club o PHLRC.
Ang naipayo natin sa kanila ay magtungo na lang sa PIT SHOP at dalhin ang xerox
copy ng kanilang motorsiklo pati na ang kanilang driver’s license.
Ganu’n lang po
kasimple ang pagsali rito sa PHLRC. Wala kayong babayaran dito gaya ng membership fee na madalas na iyan ang requirements
ng ibang organizations, club, at marami pang samahan.
Bukod pa sa wala kayong babayaran, may binibigay
rin ang inyong lingkod sa lahat ng members ng PHLRC na isang napakahalagang bagay na magagamit ninyo saan man kayo naroroon.
May bago na naman tayong miyembro, siya ay taga-Mandaluyong City, bukas kilalanin natin siya.
Kamakalawa ng gabi, nagpunta ang inyong lingkod sa Transfer It sa Isettan-Recto kung saan doon ginagawa ang
mga uniporme ng PHLRC.
Aba, biglang nanlaki ang aking mga mata nang makita kong may nagpatatak
din doon ng PHLRC logo.
Tinanong natin ang mga staff ng Transfer It. Nalaman natin na si Ka. Louie
Salva pala ang nagpagawa. Naks!
Ang kuwento ng mga staff, gumastos ng P240 si Ka. Louie para lalong
gumanda ang kanyang uniporme.
At dahil isa sa mga marshall si Ka. Louie, naglagay rin siya ng
mas malaking tatak na marshal sa likurang bahagi ng kanyang uniporme. Sa madaling sabi, mas madaling makita ng ating mga kasamang
riders si Ka-Louie. Nice idea!
Habang nagkukuwentuhan kami ng mga staff ng Transfer It, nagulat
naman ang inyong lingkod nang may tumawag sa atin sa ating likuran.
Si Ka. Maricel Padigdig pala,
misis ni Ka. Ernie Padigdig.
Doon din pala siya nagtatrabaho, sa may 7th floor ‘ata ang
kanilang opisina. Galing!
Samantala, gawa na ang PHLRC uniform ni Ka. Michael Aghon. Puwede na
niya itong makuha sa Sabado ng gabi sa PIT SHOP kung saan magkikita-kita ang grupo bago magtungo sa Llanera, Nueva Ecija para
sa 3rd Outing.
Sa ibang dako, may natanggap tayong reklamo mula sa mga driver ng truck na bumibiyahe
sa McArthur Hi-way lalo na diyan sa Meycauayan, Bulacan.
Ayon sa kanila, masahol pa sa hayop ang
mga police mobile patrol ng Meycauayan-PNP dahil ang ginagawa ng mga ito ay puro lang para sa mga dumadaraang truck
tapos nangingikil ng pera sa mga kawawang driver!
Ang mga body number ng mga police mobile patrol
na ito ay 360, 358, at 359.
Mga Sir, mag-ingat sa entrap. ‘Wag ipagpalit ang inyong trabaho
sa konting barya.
Samantala, mayroon din umanong naghahari-harian diyan sa Brgy. Teacher Village
West na umano’y mga bata ni Chairman Federico Jong,. Nambugbog raw kasi sina Jessie Velasco, at isang alyas Tacio at
4 iba pa na ‘di nakilala. Nang magreklamo ang biktima sa barangay, walang aksyon ang chairman na ito! Ano ang tawag
doon?
Adios amigos!