Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC.
***
Good day, Philippines!
Mabuhay ang mga motorcycle riders sa bansa!
Ika-15 ng Hulyo ngayon, taong 2010.
Nasabon ni Pangulong Noynoy ang PAGASA
dahil sa palpak na pagbibigay ng impormasyon sa publiko bago manalasa sa Metro Manila si Lola Basyang.
Nitong nakalipas na araw,
inanunsyo ng PAGASA na hindi raw direktang tatama sa Metro Manila si Lola Basyang pero dakong alas 12:00 ng hating gabi kamakalawa,
masahol pa sa manananggal si Lola Basyang na nanghalughog at pinagbabaklas ang bubong ng mga kabahayan ng ating
mga kababayan.
Ang mali lang ni Lola Basyang, dapat binuhat niya ang headquarters ng walang kuwentang PAGASA at inihagis sa Manila
Bay para masampolan sila!
Sa kasalukuyan, malayo na sa Pilipinas si Lola Basyang. Ang daming napuwersyong Pinoy! Walang nagawa ang mga albularyo
kundi magtago sa kuwarto! Ha ha ha!
Kahapon, maluwag ang daloy ng trapiko. May mga traffic lights ang ‘di gumagana.... brownout
pala!
Ilan
sa mga kasamahan natin sa Pinoy Hot Line Riders Club ang ‘di makontak kahapon. Lowbat kasi ang kanilang cellphone. He
he he!
Isinusulat
natin ang kolum na ito kahapon, pumalo na sa 23 katao ang pinatay ni Lola Basyang at mahigit pa sa 50 katao naman ang
nawawala.
Ang
mensahe ng inyong lingkod sa PAGASA, mga tamad sila porke’t maliit lang ang kanilang sahod! Wala silang pinagkaiba sa
mga doktor at mga nurse na nagtatrabaho sa mga ospital ng gobyerno!
Hindi sila naglilingkod sa bayan, naglilingkod sila sa propesyong
pera-pera lang. Pwe!
Samantala, sa darating na Linggo, Hulyo 14, 2010, mag-uumpisa na ang lingguhang jogging at basketball ng mga
kasapi sa PHLRC sa Quezon City Circle sa oras na alas 5:00 ng umaga.
Sa Linggo rin ay mag-uumpisa na ang PALUWAGAN ng PHLRC. P100
lang ang bawat isa.
Ginawa namin ang hakbang na ito para lalo pang tumibay ang samahan at maging aktibo sa grupo ang lahat ng kasapi sa
PHLRC.
Belated
happy birthday nga pala kay Ka. Dhionel Pilan, isa sa mga Sgt. at Arms ng PHLRC, na nagdiwang ng kanyang kaarawan nitong Lunes,
Hulyo 12, 2010.
Sa ibang dako, many, many, many thanks po kay Ka. Dan Alfred Madriaga, treasurer ng PHLRC, dahil sa super, super,
super super, sarap, sarap, sarap na luto niya nitong 4th Outing ng PHLRC.
Ka. Dan Alfred, isa ka talagang himala at biyaya sa ating
masayang samahan.
Salamat din kay Ka. Joseph “Jojo” Leuterio na naging kasama ni Ka. Dan Alfred nitong Linggo.
Many thanks din kay Ka.
Rolly Malupa, isa sa mga board of trustee ng PHLRC, at kay Ka. Josie Malupa, president ng Pinoy Hot Line Civic Organization
dahil sa magandang venue na pinagdausan ng 4th Outing ng PHLCO/RC.
Many thanks din sa ating camerawoman na si Ka. Karen. Rocero, Assn’t
Treasurer din ng PHLRC, dahil sa magagandang kuha niya, katuwang si Ka. Ronnie Terrado, PRO ng PHLRC.
Marami pa tayong pag-uusapan, pero bukas
na lang.
God
bless, PHLRC!
Mabuhay
ang motorcycle riders sa ‘Pinas!
Please lang, ‘wag mag-drive ‘pag lasweeengg.....