Buenas dias amigos!
Ika-4 ng Mayo ngayon, araw na Martes taong 2010.
Muling gumuhit ng isang masaya at makasaysayang outing
ang mababait na mga kasama sa samahang Pinoy Hot Line Riders Club o PHLRC na ginanap sa Sea Breeze Beach Resort sa Matabungkay,
bayan ng Lian, Batangas nitong Mayo 2 (Linggo) sa pangunguna ng inyong lingkod katuwang sina PHLRC National President Freddie
Modesto at Vice President Gerry Lanuza.
Maraming salamat sa ating magagaling na mga marshall na si Ka. Rico Rocero at Ka. Nelson Barnedo, sa ating masipag
na ride sweeper na si Ka. Renito Arpilleda, lalong-lalo na sina Ka. Ronnie Terrado (cameraman) at Karen Rocero (camerawoman)
for job well done!
Kung naging masaya
ang first outing ng PHLRC nitong Abril 1, mukhang hindi matutumbasan ang nararamdaman nating kasiyahan sa 2nd outing natin
nitong Linggo. Completo recados, ika nga. Ito ay dahil matagal tayong nakalublob sa beach, he he he!
Infairness ha, si Ka. Renito at Ka. Edwin lang ang walang angkas! Ibig
sabihin, single pa sila! Ha ha ha!
Sa
kabuuan, umabot sa 32 katao ang sumama sa naturang outing mula sa 17 motorcycles.
Alas-2:00 pa lang ng madaling araw nitong Linggo, nandun na sa meeting
place sa Baywalk si Ka. Ronald Mendez kasama ang kanyang misis. Galing!
Medyo na-late ng dating si Ka. Edwin Rosaldo pero nakahabol siya sa may bandang Silang, Cavite nang
ma-flattan ng gulong ang ating marshall na si Ka. Rico. Bago ito, na-flattan din si Ka. Renito sa may Imus.
Pag-uwi naman, na-flattan din ang inyong lingkod
pati si Ka. Ronald. Maraming salamat sa iyo, Ka. Rolly dahil sa pagbulatlat mo sa aming mga magulong! Haist!
Siya nga pala, sino ang unang umuwi?
Siyempre, magpapahuli ba ang ating binansagang Overtaker
na si Ka. Nelson Barnedo! Ha ha ha!
Kitang-kita
namin na umuusok ang gulong ng kanyang Honda Motocross 200 nang paharururutin niya ito nang mag-stop over kami sa isang gasoline
station sa Tagaytay City. He he he!
No
more space na tayo, pero bago tayo pansamantalang magpapaalam, sa lahat ng PHLRC members, magkita-kita tayo mamaya
sa may puwesto nila ni Ka. Ernesto Padigdig at Marlou Dahunog sa Araneta Avenue malapit sa Arlington harap ng PNB ganap na
alas-8:00 ng gabi. Dadalawin natin ang ating mga kasama na sina Ka. Dan Alfred Madriaga at Joseph Leuterio.
Sa mga nagtatanong kung bakit sa Lian sa halip na
sa Calatagan ganapin ang ating outing, may nakapagtimbre po kasi sa amin na marumi raw ang dagat sa Calatagan.
Samantala, narito ang mga sumama sa outing.
Even Demata with Vel F, Gerry Lanuza, Freddie Modesto
with Millet, Ronnie Terrado with Karen Rocero, Rico Rocero with Monica, Ruben Cabrillas with Amy, Ernie Padigdig with Maricel,
Rolly Malupa with Jocelyn, Dhionel Pilan with Flor Mamza, Dioscoro Policarpio with Mabel, Nelson Barnedo with Elizabeth, Renito
Arpilleda, Edwin Rosaldo, Trexie Bellen, Glenn Villanueva with Janice, Lawrence Enriquez with Jonalyn, Marlou Dahunog with
Lea, Ronald Mendez with Rowena.
Bukas,
kuwentuhan ulit tayo kaugnay ng masayang 2nd outing ng PHLRC.
Adios, amigos!