Hindi pahihintulutan ang mga preso na magsagawa ng penitensya ngayong Mahal na Araw.
Iginiit ni Jail Sr./Supt. Miguel Cawi , kasalukuyang regional director ng Bureau of Jail Management and Penology
Regional Office One, na bawal sa mga inmates ang pagpepenetensya o pagpapahirap sa kanilang sarili ngayong Mahal na Araw.
Sinabi sa PINOY HOT LINE ni Cawi na maraming paraan para gunitain at bigyan pagpapahalaga ng mga Kristiyano
ang Mahal na Araw.
Ilan sa mga ito ay ang pagsasagawa ng bible sharing at taos pusong pagrorosaryo ng mga inmates para hingin
ang kapatawaran ng Maykapal sa mga ginawang kasalanan.
Samantala, mananatiling bukas ang mga kulungan sa Huwebes at Biyernes Santo para sa visiting hours ngunit
limitado pa rin daw para na rin sa seguridad ng mga preso.
Ayon kay Cawi, tatlong bisita lamang para sa isang inmate ang pahihintulutang makapasok sa kulungan.
Sa kabilang dako, bawal din mangampanya ang mga kandidato sa Mahal na Araw.
May nag-text!
"Isang napakagandang layunin ng bayan ng Sta. Maria ang nasaksihan ng inyong linkod para sa pangkat pagbabago
ni Atty. Ansen Adriano bilang kandidatong mayor ng Sta. Maria kasama ang vice mayor Dr. Lino Lopez at mga konsehal Cristy
Mendoza Cruz, Dennis Lapig, Josie Lopez, Ma. Bernadette Lucio Filoteo, Pastor Jun Del Rosario, Pastor Cesar Tomo, Bobet Nieto,
Ricky Lorenzo. Naimbita po ako ng grupong ito upang iparating sa mga mamamayan ng Sta. Maria ang hangarin nilang mapaglingkuran
ang bayan ng Sta. Maria. Ngayon ay hindi kagaya ng dating tahimik at payapa, laganap na patayan, rape, nakawan, at iba pang
uri ng krimen. Na hindi nabibigyan ng kalutasan ng kasalukuyang namumuno at lahat ng ito ang naging layunin ng pangkat pagbabago
at maibigay ang tunay na serbisyo publiko at kaunlaran para sa bayan ng Sta. Maria. Mabuhay po kayo!"
Ka. Rey Guinto ng PHLCO
"Ang laki talaga ng kaibahan ng mga matinong pinuno sa mga bugok at tiwaling pinuno. Alam na laman ng mga
hudas na yan na ipinagdudura na sila ng mamamayan pero wala lang. Ang kakapal kasi ng mga mukha. Makarma sana, at tamaan ng
kidlat ang mga yan!"
–09308106424