Ang tamang pagbigkas ng
PHLRC ay PIL-RC na ang ibig sabihin ay Pinoy Hot Line Riders Club.
***
MAY natanggap tayong text message kamakailan.
Inirereklamo ng texter ang kanilang bayan dahil hindi alam kung sino ba talaga ang kanilang alkalde sa bayan ng Balud,
Masbate.
Sinabi niyang nagkagulo raw ang kanilang bayan dahil hindi
nila alam kung sino ang nanalo.
Maliban pa riyan, ang kanila umanong
alkalde ay laging wala sa munisipyo at ang kanilang bayan ay walang pondo. Totoo ba ito?
Inirereklamo rin niya ang walang habas na pagtanggal ng mga tao o empleyado ng munisipyo kahit ito ang lehitimo. Sila
raw ang hari roon, ayon pa sa ating texter complainant.
Sana maimbestigahan
ito ng Comelec at DILG.
Kaugnay nito, base sa isinagawang pananaliksik
ng Pinoy Hot Line kahapon, napag-alaman na si Hon. Ruel A. Benisano ang nahalal bilang mayor sa nasabing bayan.
Kung mayroon mang nagme-mayoran pa diyan, ‘wag n’yo nang kilalanin
iyan.
Para sa inyong karagdagang kaalaman, ang Balud ay mayroong 32
barangay.
Ang pook na ito ay nakilala dahil sa malalaking kalapati
na ang tawag ay “Balud”.
***
Attention Valenzuela City Mayor Sherwin T. Gatchalian.
Sir,
‘yung mga de padyak daw diyan sa Malanday ay walang kaayos-ayos at wala rin daw silang sariling terminal.
Ayon sa impormant ng Pinoy Hot Line, nakarapada raw ang mga de padyak na ito sa
magkabilang kalsada kaya’t ang nangyari’y wala nang madadaanan ang mga motorista.
Mula umano sa umaga hanggang hapon ay matrapik, at ang mga traffic aid naman ninyo ay nakatunganga
lang!
Kung totoo ito, sayang ang pinapasahod sa mga ungas na ito, Mayor!
Hiling ng aming impormant, suyurin mo raw ang Malanday para makita mo ang mga de
padyak na ito.
Aksyon na, Mayor Gatchalian, Sir!